Mga pagkain para magka breast milk?
Hello mga mi 33 weeks nako ask lang anong pwedeng mga kainin or inumin para magka breast milk? And totoo ba na kapag maliit ang breast ng mommy ay maliit ang chance na mag ka breast milk? Sana po may sumagot thankyou! #1stimemom #pregnancy #firstbaby #pleasehelp #advicepls
Pag malapit ka na manganak reresetahan ka na ni OB mo malunggay cap.. Pero kung hindi pa sa next visit mo pwede mo iremind sakanya na plan mo mag breastfeed pag nanganak ka na kung pwede ka na uminom ng malunggay cap.. Magkakabreastmilk ka kagad nyan basta pagkapanganak ni baby pa latch ka kagad.. Colostrum una madedede sayo ni baby at normal sa umpisa onti lang ang gatas mo kasing laki lang ng calamansi ang bituka ng baby kaya wag ka agad mag isip na baka kulang sakanya ang nadedede sayo.. Keep yourself hydrated Makakatulong din ang pagkain ng may sabaw lalo na with malunggay like tinola.. Eto din tulong sa pampagatas ko:M2 Malunggay, Malunggay Cap, Mother Nurture Coffee And hindi po totoo pag maliit ang breasts onti lang ang milk. -5monthsEBFmomhere
Magbasa paNung kapapanganak ko pa lang, 100% akong naniniwala na may gatas na madedede si baby ko. Pero si Partner di maniwala kaya ang ginawa nya yung sibuyas hiniwa nya at inilagay sa baso tsaka nya nilagyan ng kapapakulong tubig. Then ininom ko lahat, pangit talaga lasa pero syempre ang ina GAGAWIN ANG LAHAT PARA SA ANAK❤️ Tsaka sabi din ng lola ko, wag daw iisiping wala kang gatas dapat daw palaging sabihin mo madami❤️
Magbasa paito gawin mo: drink water eat healthy foods iwas stress higit sa lahat pasensya at determination. ako payat at maliit lang, maliit din boobs pero 26months na ako nagpapadede. sa 2 araw ko nakakaubos ako nung tag 25pesos na mineral jag 😅🤣 saka more padede lang kapav nagstop ka magpadede hihina ang milk mo.
Magbasa pathankyouuu po🤎
Nope mommy. walang pong connect ang size ng breast sa supply. Need mo lang laging hydrated at iwas stress. Kailangan mo rin malaman yung tamang flange size kapag mag pump ka 🥰
size does not affect milk production malunggay is known galactagogue. isa sa makakatulong din sa bf journey is learning more about breastfeeding
hindi po totoo na kapag maliit ang breast mahirap magkabreast milk :) more on malunggay po best na iadd sa food para lumakas ang milk
ahhh okay po thankyou po sa pag sagot 🤎
ako mi walang ininom na kahit ano tubig lang lagi at pagkapanganak ko may milk na agad ako and maliit den yung boobs ko
Take ka sis buds and blooms malunggay capsule para mas lumakas milk production mo 🥰 all natural and super effective
sige po aask ko sa ob ko yan thank you🤎
mommy of one