I need another perspective

Hi mga mhie at papi…. Okay lang ba yung name na Bughaw? Tagalog po ng Blue. Blue rin pala magiging nickname nya. Yun kasi gusto ni bbdadi 🥺 Kaso naweirduhan kasi talaga ko. Okay naman kaso… hindi kaya mabully anak namin growing up because of his name? Ang gusto kong name naman… Dustin Nicolai because of our favorite series - stranger things (DustyBun) - brooklyn nine-nine (anak ni Boyle na cutie) Ayun lang… Ano sa tingin nyoooo? #pleasehelp #firsttimemom

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nagustuhan ko 'yung Bughaw para sa pangalan ng baby. Parang ang kalmante pero di nasisindak ang dating niya. Di ko ma-explain. Pero nice siya. Nung nag-iisip kasi ako ng name gusto ko rin Tagalog words, puro descriptive words ang naiisip ko. Maganda pala ang kulay bilang pangalan sa bata. :) Maganda pong mapagkasunduan niyong mag-asawa name ng baby ninyo. Pareho namang maganda gusto niyo ipangalan. Kung pwedeng meet halfway sa pagpapangalan, bakit hindi? :) Try mo rin siyang ulit-ulitin along with your family surname. Kalaunan mababagayan siyang pakinggan. Lastly, wag mong alalahanin kung magiging tampulan ng tukso si baby pagdating ng araw dahil sa pangalan niya. Kung lalaki siyang confident sa pangalang binigay niyo sa kanya, di uubra ang panunukso sa kanya. Magmumula rin 'yun syempre sa magiliw na pagtawag niyo sa kanya na kalalakhan niya. ❤️

Magbasa pa