Nesting Era
Hi mga mhie FTM here ask ko lang po ilang baru baruan po like (long sleeve, short sleeve, sando, short, pajama) ang need bilhin sakin kasi pag 3pcs each. Ok napo kaya un or need to add pa. Or if ok na ano papo pwedeng bilhin na damit at anong size po. Salamat sa sasagot po.

depende sa frequency ng inyong paglalaba. once a week kami naglalaba ng damit, times 2 ang damit ni baby per day dahil pinapalitan namin ng damit sa hapon. hindi ko pinagshoshort ang newborn, naka pajama. hindi ko muna pinagsi-sleeveless ang newborn dahil hindi pa stable ang pagregulate ng temperature ng newborn. then, laging short sleeves sa araw. since may aircon kami, long sleeves sa gabi or kapag malamig ang panahon. malaking size ang binibili ko para sure na magkasia. mas ok na maluwag kesa masikip at para tumagal dahil mabilis lumaki ang baby.
Magbasa pa
Preggers