Ihi or panubigan

Hi mga mga mommy! Ask ko lang po kung normal po ba after umihi ng dire diretso my mga pahabol pa ihi na lalabas like tutulo ng tulo ng matagal pero nag iistop din. Madalas po kasi ako ganon kapag iihi ako lalo na kapag marami ako nainom na tubig. Natatakot rin ako mamaya panubigan ko na pala🥺 anyone po na naka experience po ng ganito most of all po dun sa mga my babies na ganto rin po ba kayo dati? Thankyou po sa sasagot!💗

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sa experience ko po,nalaman ko pinagkaiba nung amniotic fluid ska ihi.. ung ihi mainit pglumabas at kayang mkontrol ung daloy..,amniotic fluid is hindi at walang amoy,d din napipigil kea mbabasa tlga ung underwear at shorts..

2y ago

Ako yung nagcomment na namatay baby ko kasi d ko alam na panubigan na yon, hindi po pumutok yung akin kundi tumutulo lang at nagpunta lang ako ospital dahil yung tumutulo saken medyo lumakas kaya na nyang basain yun underwear ko. And it's too late dahil pagpunta ko,palabas na si baby. Walang sumakit sakin,walang contractions kaya diko din alam, Last year lang ito nangyari,Sept 2022, 21W6D si baby ko nung nangyari yan.