emotion

hi mga mamsh pinili ko maging anonymous ask ko lng sana anong gamot sa nararamdaman ko pagod na kase akong umiyak and currently im 28 weeks pregnant. naawa kase ako kay baby feeling ko alone ako khit hindi naman talaga namimiss ko kase si hubby not in terms sa sex ha yun bang lambingan namin noon, kulitan. pag uwi nya pagod sya kakain lng kmi cleaning ng 1 hour then hihiga na maya maya tulog na sya ako naiwan pang gising hanggang sa maiyak na lng ako at umabot ng 1am sabi ko sa kanya namimiss ko sya sabi nya anong drama daw sabi ko sa sarili kelangan kong masanay na di na talaga tulad ng dati lalo dadating na si baby pinagpepray ko na sana maging ok at sana di sya magbago feeling emotional lng siguro ako dahik buntis ako dami ko ding naiisip na negative thoughts help naman po para sa prayers mga mamsh di ko to kayang mag isa. Si Lord lng at prayer talaga thank you

13 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Maganda po kausapin nyo din si husband aboit sa nararamdaman nyo. Kayo lang din naman kasi ang talagang magkadamay. Magaanda maipaintindi nyo kung ano yung kailangan nyo and maintindihan nya din na mas emotional talaga ang buntis dahil sa hormones. Baka pwede siya maisama sa checkup nyo with OB para maexplain din sa kanya ni OB yung changes sa isang buntis. Kailangan talaga ng communication pag mag-asawa na. Ako pag hindi ko masabi directa kay husband ko, kasi naiiyak ako, ginagawa ko pa text ko na lang sinasabi. At least nabasa nya kung ano yung hindi ko masabi sa kanya.

Magbasa pa
VIP Member

Sa palagay ko ay normal lang naman yang nararamdaman mo. Dati kasi nung nabuntis ako. Sasabihin ko sa asawa ko na. "Lovey wala ako sa mood" tas yun patatawanin nya na ako. May times din na sasabihin ko sa asawa ko "malungkot ako" lalambingin nya lang ako. May times kasi na KSP ako lalo nung buntis. The good thing is he can give to me the attention that I needed. Sa case mo ay akala kasi ni hubby mo nagda drama ka lang pero ganyan talaga tayong mga girls. 😁😁😁😁😁 Kaya naman I feel you momshie. Dont be so wrong and be strong. Ajah!

Magbasa pa

mommy normal lang po yan. may times po talaga na super sensitive at super moody po natin. kaya tayo nakakapag isip ng negative thoughts kasi feeling natin d na tayo katulad nung dati na kahit anu pede nating gawin. sa partner mo nmn po, pagod lang po siguro xa sa work kaya d ka na nya masyado napapansin. mostly yung mga father to be nagsisipag yan for the baby na lalabas. better yet try to open up kay hubby mo kung anung mga gusto mo para alam nya din po gagawin nya. be strong mommy, try to have positive thoughts po.

Magbasa pa
VIP Member

Nako ganyan din ako! Walang paglagyan kadramahan ko hanggang sa nanganak ako, pero ngayon mas okay na ko kesa nung buntis at kapapanganak palang. Masyado talagang emosyonal pag buntis momsh kaya mo yan. 2months na after ko makapanganak ngayon okay na ko kase mas mageeffort at nagbibigay talaga ng atensyon at oras si hubby para di ko na ulit mafeel yung ganun nagwoworry din kase sya sakin hehe.πŸ’–

Magbasa pa

Lahat talaga ng hormones ng buntis heightened kaya mejo sensitive ka sis pero that's normal. Try to talk to your hubby para maintindihan nia ung situation mo and also try to understand din si hubby baka talagang pagod sya sa work at need magpahinga. Relationship works both ways. Wag masyadong pakastress or nuod ka na lang ng Bawal Judgemental or mga kdrama 😊

Magbasa pa

Ganyan kami noon lalo first trimester ko palagi ko sya inaaway sa ganyan sabi nya bat d ka makuntento e live in na nga tayo mas lalo ako nagalit sakanya kasi d nya ko nilalambing usap ganon paggaling school nya non luto kami kain tas cp lang sya hangang antukin na sya nakakainis ahha pero ngayon d naman na lalo nung nalamanna namin na buntis ako

Magbasa pa

Hello mamsh. I think normal lang sa buntis na emotional. During my 2nd trimester, sobrang matampuhin ko. Konting away lang namin ni hubby, pero pinapaliwanag ko naman sakaniya pag nagkakausap na kami. Paliwanag mo sakaniya. Kasi hindi makakabuti kay baby pag hindi okay si mommy. Be strong mamsh 😊 Isipin mo nalang konting tiis nalang πŸ€—

Magbasa pa

ganyan din lablab ko nagagalit pag nagdradrama akoπŸ˜‘dahil dun nagdecide pa kong hiwalayan siyaπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ ... since ldr kmi feeling ko may nagbago n dahil buntis ako at ayaw niya... kung anong negative pumapasok sa isip ko... pero nung umuwi siya dito samin naging ok nmn kami

Baliktad naman tayo sis, Since seaman BF ko at wala sya dito kapag nanganak ako hindi ako emotional. Ewan ko ba hahaha sya ung clingy saken at kay baby. Feeling ko kasi mas naging independent ako eh.

Mamshie gnyan din po ako nung buntis since di pede stress kay baby ako nlang ng sstart maglambing sa knya tpos inoopen ko nrramdaman ko naging ok aman din. Take courage and keep praying, God bless!