Breastfeeding for baby🥰🤩😍🤤 the GOLDEN MILK🥰

Hi mga mamshie🙂 share ko lang tong breastfeeding journey ko🤩kakapanganak ko lang nung july 29 via CS and sad to say walang milk ilang days na na stress ako kasi wala talaga kaya nag NAN milk muna sya bigay ni pedia para makapag dede sya. But Thank God ngaun 30minutes lang yan na pump pero nakaka 5oz na agad ako🥰 kaya totoo talaga na wag kang SUSUKO PAG BREASTFEEDING lalo na sa una kasi talagang madalas mahirap mag ka milk supply. 16days old nga pala si baby pero 4.4kg na sya😍And THE BEST TALAGA ANG BREAST MILK!🥰❤️🤩 #firstbaby #1stimemom #breastfeeding #BreastfeedingJourney

Breastfeeding for baby🥰🤩😍🤤 the GOLDEN MILK🥰
20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

AGAIN MGA MAMSHIE WAG SUMUKO SA PAG BREASTFEED KAY BABY. Sa mga nag pm po sakin ng mga ginawa ko eto po ung bullet kung ano talaga po sya para mabasa na din po ng ibang mga mamshie here lalo na nag struggle sa breastmilk nila🙂 Minsan talaga nangyayari n kaunti lang ang nacollect na milk lalo na kung CS.. Youcan try this: 1. Taking natalac(malunggay capsule) kung hindi umubra mag malunggay na may sabaw, Tinola at seashells. Or i boil mismo ung malunggay leaves sabay inumin na parang tea or usual na water intake VERY EFFECTIVE PROMISE! 2. If you are taking anmum, or enfamama during pregnancy pwede mong ituloy yun. or pwede MILO big help din mura na effective din sya. 3. Try massaging yung chest and back area. Look in the mirror yung largest vein n makikita sa chest going sa breast massage it mula taas pababa going to breast kasi pra maging maganda ang circulatuon ng blood promotinh let-down milk 4. Everytime mag feed k kay baby kain ka muna dapat busog din si mommy pra marami ka din mabibigay n milk kay baby forget muna diet pagmalakas n at unlimited n production ng milk pwede n mag-diet pero syempre healthy food. 5. Ang pagpump ng milk nkakatulong din pra ma-stimulate ang let-down kaya maganda din na mag-invest ng magandang breast pump. need rest or take a break at makatulog kahit papaano yung nacollect mo sa pump n milk pwede painum kay baby syempre hindi rin dapat nastress ang mommy. I HOPE MAKAHELP SYA MAMSHIE🙂 HAPPY BREASTFEEDING!🤍

Magbasa pa

Sana ako rin as a first time mom. EDD ko ay October 7. pero last week Thursday nag ruptured na amniotic fluid ko 36 weeks and 1 day pa lang ako buntis. after ko manganak at na bigay na sa amin si baby Panay tanong na ng mga nurse at pedia kung naka pag breast milk na sabi ko wala pa kaya that night nagpa bili na pedia nya ng formula milk. till now na 1 week old na si baby unti pa lang lumalabas sa boobs ko ni Hindi pa nga makapuno ng gatas kahit isang kutsara di maka full. pero pina pa latch ko sya. nag ma-malunggay na rin ako up to now, massage and hot compress. Sana magka milk ako ng ganyan. kasi naawa ako kay baby everytime e BF ko sya randam ko din kasi na not comfortable yung mga position sa kanya ng mga breast feeding position. naka ka frustate din kasi mga kasama mo sa bahay ang Dali lang sabihin sa kanila e bf mo si baby blah blah.... 😭

Magbasa pa
3y ago

salamat mommy. 🙏☺

VIP Member

Very effective po talaga ang Malunggay. Naalala ko noon humina ang gatas ko. Bumili ako malunggay sa palengke. Hinalo ko sa noodles. As in nilahat ko ng lagay ang malunggay kasama ang malilit na tangkay. Kinabukasan naman halos sumisirit ang gatas ko sa dami. Problema naman nagleleak sya kailangan maglagay lagi ng lampin sa dede ko... 😆 Big help din po na ipamasahe ang likod.

Magbasa pa
3y ago

Suoer true mamshie Shodie😊 iba nagagawa ng malunggay proven na talaga sya🥰 thank u for sharing ur experience as well mamshie❤️🥰

Any tips po para lumakas gatas? ano po ginawa nyo? huhu nahihirapan rin ako sa proper latching ksi sobra tlga magwala si baby kapag di nya nakukuha yung gusto nyang paglatch which is masakit sa'kin 😭 8days na si baby pero yung milk supply ko kaunti pa rin tlga kaya mixed feed si baby huhu 2oz lang knakaya both boobs pa 😫

Magbasa pa
3y ago

Hi mamshie🙂 been there kaya i understand ako umiyak pa e kasi like ko talaga BM for baby lalo na medical field ako alam ko gano kaganda talaga for baby. Hindi ko hiyang mga malunggay capsule ang nag pa lakas talaga ng gatas ko mamshie boil ng malunggay leaves dapat nakaka 1liter ako a day hindi ko kaya nung una uminom kasi di ako palainom talaga ng mga herbal herbal or tea kasi ung lasa mahina ung taste buds ko pero pinilit ko kasi para kay baby and thank God it's all worth it❤️🙏🏻 and more on seashell na ulam higop sabaw nun lalo na ung HALAAN kung tawagin dito samin isa din malaks mag pagatas ung seashells na un lagyan mo din malunggay ung luto nya parang tinola style. And more water un. And warm compress u po lagi ung boobs mo mamshie and massage. Ako din hindi ako ma latch e kahit like ko man kasi nahihirapan ako sa mga position ayaw ni baby pero try ko pag lumaki laki na sya and mas like ko ngaun pump para nakikita ko ilan oz nauuboa nya talaga. Pero sa isang araw nag papa latch a

sakto nabasa ko to. mejo discouraged ako kasi naCS ako nung 11 and nasa NICU si baby ever since so di pa nakapaglatch until yesterday when I was discharged. naiwan si baby sa NICU kaya inadvise ako magtry magpump. di pako maka 1oz kanina, pero pinapabalik ako today para magtry ulit maglatch. sana umabot din ako sa ganyan. 😊

Magbasa pa
3y ago

Hi mamshie Anna😊 first Congratulation sa inyo ni baby🥰❤️🎉🎊💐 Yes mamshie kaya mo yan like sabi ko nga sa comment ko dito malunggay leaves na boil lang malaking help sakin and more water and seashells na food na sinabawan. Hindi ako hiyang ng mga malunggay capsule. Go go go lang sa breastfeeding lalo nanpara kay baby need na need nya po yan lalo na naiwan pala sya sa NICU. 😔

kakapanganak ko pang kahapon at napractice ko na si baby maglatch pero nag aalala ako kung may nasisipsip ba sya.. mga 20min sya dumede saka mini make sure ko na mapadede every 2-3hrs.. kaso nakakapag alala lang.. sana may nakukuha sya

3y ago

Pinilit ko kasi sya mommy nung first month ni baby nag pure breastfeed aq e kunti lang yung naku2ha nya 😔iyak sya nang iyak. kaya nag mixed ako nang formula. 3kls sya nung lumabas tinimbang namin after 1 month. 3.6kls lang sya at nung 1 month and 25 days na sya tinimbang ulit 4.1 na sya. Naka mixed na sya nyan umiinom narin aq ngayu ng natalac at enfamama.

always think positive lng momsh and more water and kung ano pang mga pampaboost ng BM 🙂 1yr2mos. still EBF sa 2nd baby ko kahit 11 na teeth nya, minsan masakit pag nakakagat pero go lng.. Nakatipid na mas healthy pa si baby 😉

3y ago

True mamshie😍 iba pa din talaga BM😊 kahit si pedia ko talagang ni push nya ako na mag BM kesa formula☺️ congratulations mamshie❤️

Naalala ko po, same ng weight babies naten nung pinanganak. Pero ang bilis po bumigat ni baby mo. 4.4kgs si baby nung 1 month na sya 😁 Happy latching po! 😊

3y ago

Opo mamshie Aika may latch time sya pero more on sa bottle ung ni pump ko kasi mas like ko sya para mamonitor ko ilan talaga na dede nya😁

Cs din poko nung aug 2 as of now halos 2oz plng napropeoduce ko per day kaya Mix feed si baby sana dumating din ako jan haha

3y ago

Yes mamshie kayang kaya mo yan🙂 malkas loob ko na sabihin na kaya yan kasi naranasan ko ako nga po tipong naiyak na talaga kasi like ko BM kay baby kaya nag tyaga ako uminom ng malunggay leaves un talaga malaking naka help po sakin mamshie grabe po sya makapag produce ng milk. Ung tipong makikita u nalang po basa na ung damit u natulo na po pala.

mas mabuti po talaga angang breastfeeding yung baby ko 3.2 kls pinanaganak nganong 1month and 25 days 5.5 kilos na bigat na

3y ago

Wow laki na ni baby❤️ totoo mamshie and malki talaga po benefits nya walang tapon kung baga🙂 hindi lang sa tipid ang hinahabol ko sa BM kundi ung content nya talaga.