Light green discharge

mga mamshie... please don't judge me muna... oct 2022 nagpa check up ako sa health center and nagpa hiv test na din ako that time, thanks god negative naman ang result.. pero pinagtataka ko bat nagkakaroon ako ng discharge na parang yellow green :( hindi naman din ako nag papagalaw sa asawa ko since nalaman namin na buntis ulit ako... nag ssearch ako about sa ganong discharge sabi may STI or STD'S daw pag ganon.. diba yung sakit na yun para sa mga sexual active? 😞😞 hindi ako makapag pacheck up ulit kasi natatakot ako sa sasabihin ng ob ko.. lalo na sa health center lang ako nagpapa check up.. pangangatawan ko nga jinudge na agad eh ganon pa kaya na problema... 😞😞 ano pong gagawin ko?? 😞😞

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mas maganda macure na agad yang sakit mo mii kesa makaapekto kay baby. Meron rin ako niyan pero parang kesong puti naman yung discharge ko minsan green nagpacheck up nako kay ob kahapon yun pala may infection na pala. di maganda yun lalo kay baby dahil pwede daw mag cause ng pre term labor kaya pala naninigas tyan ko madalas dahil din don. Syaka wag kang mahiya magpakonsulta mommy lapitin talaga tayo ng mga infection normal lang naman daw po yun sabi ng ob ko ang mas importante is maagapan po agad. kaya wag na mag dalawang isip mag pacheck up kahit sa health center lang Nawa'y maging okay na kayo ni baby mo godbless ❤️

Magbasa pa

hello mie, wag mo isipin sarili mo.. ang isipin mo ung baby mo po.. nung buntis po ako may nakita Trichomonas vaginalis sa urinalysis ko, ngka yellowish discharge dn ako nun.. same dn tyo, nung nalaman kong buntis ako tinigil ko muna ung contact ko sa partner ko.. nung una nahihiya pa ako sbhin sa OB ko pero inisip ko si baby.. niresetahan ako supossitory for 1 week (morning and evening).. after nung 7th day ng gamutan wala na ako discharge.. nung ngpa HIV test nmn ako negative nmn ang result.. ngayon mag 4mos na si baby and healthy sya..

Magbasa pa

wag ka muna mag paka stress Kase saken ganyan din nag pacheck up ako agad tinanong Ako ni ob kung nilalagnat ba ako or masama pakiramdam Sabi ko hndi nmn Kaya ng request sya ng mga laboratory pero lahat ay nag negative nman, at Sabi nya wala ka naman infection minsan daw kse nag babago ang discharge dahil din sa pag bubuntis at nagulat nalng din kusa nmn nawala. tsaka wala nmn amoy at hndi naman nangangati ung private area ko non

Magbasa pa

mas mgnda pacheck up ka Mii ako nag discharge ako ng light yellow kaya nung nagpa check up ako sa ob ko snbi ko un sknya , Pina culture at papsmear niako , sa 24 malalaman ako ang result hnd lng nmn STD dhilan Pag me gnyan ka discharge mag worry ka kung ung discharge mo Pag may amoy na malansa at amoy patis , mas nakaka bahala ung gnun ,mamaya yang discharge mo bka may pinang gagalingan yan ,

Magbasa pa

maybe may infection ka pero baka wala lang din po iyan. pag pinapsmear test ka mkikita kung may infection ka sa vagina po. ako nga po yellow discharge ko kahit walang infection at kahit ininuman na ng antibiotics at binigyan dn vaginal suppository ganun padin ang color

Pag green discharge may infection ka sis. Baka UTI. Magpacheck up ka sa ob. Need mo mag antibiotics. Ako kasi binaliwala ko. 35weeks and 4days naputukan ako ng panubigan dahil sa infection. Wag isawalang bahala. At wag mag over think.

2y ago

Eto nanganak nako sis. Pero grabe experience ko. Na induce ako at cord coil baby yung anak ko. Nanganak ako last feb 14. ♥

Post reply image

magpacheck up po kayo mamsh ako din ganyan a month ago di ko pinansin hanggang sa nilagnat ako nung nagpacheck up ako UTI pala ang taas ng UTI ko so pinagtake ako ng antibiotic ng OB ko for a week ngayon okay na ulit me😊

Yan din post ko kanina nagwiwi ako and may light green na lumabas tapos nung sinearch ko puro STI and STD nalabas kaya rekta ko na message yung OB kaya bukas malalaman kung ano to

2y ago

Mami ano nireseta sayo ng OB mo?

mag pa check up ka di lang naman STD dahilan there is diff kind of infection. sa private OB ka pa check kesa nag iisip ka nung ano ano. para maka inum kana din ng antibiotics.

VIP Member

Pwede infection lang mi. Wag ka mag overthink. Pa urinalysis and papsmear ka. Mabilis lang magamot with antibiotics yan. Di porket may discharge std na agad.