Diabetic Mom
Hi mga mamshie medio di po ako mapalagay ngayon kase nga po nalaman ko kahapon na prone ako sa pagkawala ni baby :( kase nga po medio madami daw water ko and ang tendency malaki iikutan ni baby so pwedeng pumalupot yung cord sa kanya. Pakiramdaman ko daw sabi ni ob. Medio natatakot po talaga ako kagabi pa. What should i do bali 27 weeks na kong preggy :( Medio kalma lang naman po ngayon yung pag galaw ni baby sa tyan ko. 4 times din po akong nag insulin at 4 times ding nag momonitor. Lagi ko din pong inaupdate yung endocrinologist ko :( Ang hirap po kase ng dilema ko ngayon :( Kinakabahan na naiiyak. Kahit anong gawin kong pag divert yun pa rin naiisip ko :( natatakot po talaga ako mga mamshie.
Hi mommy, like you diabetic mom to be din ako. Actually, this is my first baby. Twice a day ang insulin shot ko, kakatapos lang laboratory ko nung January 17 sa awa ng Diyos normal lahat lalong lalo na FBS/HBA1C ko. Pareho tayo ng takot na nararandaman kasi nga medyo risky para kay baby yung health condition natin. Ginagawa ko, PRAYERS lang po talaga. Sobrang dinadaan ko sa panalangin, ipanapaubaya ko kay papa God kaligtasan namin ng baby ko kasabay ng tamang pag aalaga padin ng katawan. Ngayon, 30 weeks and 5 days na tummy ko every 2 weeks nadin kami nagkikita ni OB tapos once a month ni Diabetologist. Kaya natin to mommy, tiwala lang tayo kay Papa God saka sa mga health provider natin. Lagi ko din palang kinakausap baby ko na yakap siya ng mahigpit sakin hanggang sa panahon ng eye ball namin. Smile mommy! 🤗
Magbasa paako din momsh diabetic. nag iinsulin shot din ako pero once a day lang. ako naman kaunti ang tubig kahit malakas ako uminom ng tubig. pinag iintake naman ako ng madaming tubig kz bka daw may mangyreng masama ky baby pag ndi ako nadagdagan ng water. 19 weeks preggy ako and my history ng miscarriage. lagi ko pinakikiramdaman ung tibok tibok nia at ung pag galaw nia kz natatakot dn ako na baka kung anong mangyre sknia. minsan nararamdaman ko minsan din naman ndi. every month ng check up ko may kaba kz bka mamaya wala na xa heartbeat, kumakapit lang ako sa pananampalataya. pray lang tayo palagi at maniwala sa powers ni God.
Magbasa paDiabetic din ako momsh 6x a day ako mag monitor ng ng blood sugar ko at yung insulin ko 2 klase 😊 yung isa 3x a day and yung mataas kong dosage ng insulin is 22 units inject ko 😊 so far okay naman ang mga baby ko twins sila boy and girl 😊 i'm 33 weeks pregnant. So far okay naman ang mga baby ko controlled na ang blood sugar ko na admit ako sa hospital for almost 2 weeks high risk. Pray lang momsh walang imposible at sundin lang ang sinasabi ng OB. Diet ka momsh more on vegetables ka mona kasi sa fruits halos lahat bawal.
Magbasa pahi mommy, kausapin mo lng palagi c baby mo specially pag nararamdaman mong magalaw sya. also, iwasan ang sobrang lakad and akyat ng hagdan pra maiwasan pumulupot ung cord. most of all, pray lang tyo. hndi tyo pababayaan ni Lord. may GDM dn ako pro nagtatake lng aq metformin (highest dosage) tpos ngyong 35th week q na, pinapabawasan p lalo ang kain ko pra di gano lumaki c baby at mailabas ko ng normal. kaya ntin toh mommy..di tyo pababayaan ni Lord. 😊😊
Magbasa paThank you mamsh! Yes i will lagi kong kinakausap yung baby ko. Grabe kase na kase yung frustration ko. Like 24 units of long acting ako then 12 units every meal. Yung binabawasan ko na pagkain ko then ganun pa din tumataas pa din bloodsugar ko :( hayyy im hoping na maging okay lahat.
Tatanong ko po sna, im 12 weeks nd 1 day according po sa FBS result ko mtaas 6.19 kya pinag 4 point po aq for 1 week to see. But im not so sure anung sunod na ggwin saakin. This is my 2nd baby pero sa 1st born ko wla nmn aqng naging prblema, worried po ako sbra ksi now lng aq nka experience ng gnto sa pagbubuntis ko. d ko po maiwasan mag-alala.. i really need ur help mga momshies na nkaka encounter ng gntong situation.
Magbasa paSaakin naman ang sabi ng endocrinologist ko ang normal sa umaga is maximum ng 90 then kapag kumain na maximum nya saakin allowed is 140. Ask mo si endocrinologist mo.
Gdm din ako. On insulin 3x a day before meal. Polyhydramnios din ako then nagka uti. High sugar, mas prone sa uti. Proper diet pa din kahit may insulin tayo para di masyado malaki si baby pagka labas. Wag mag alala about kay baby. Ok na ok yan siya basta strict diet ka lang. Di lang ikaw ang ganyan sa mundo. Marami tayo even mariel rodriguez. Stay positive lang. Pray. ♥️
Magbasa paThanks mamsh super worried lang ako about my baby's condition. And umaatake po talaga anxiety ko lately.
ako din e mataas blood sugar ko pero sbe lang sken ng ob ko diet lang daw po wala nmn nireseta na insulin satingin nyo po ok lang yun dko kse namomonitor blood sugar ko mahal din po kase yung nabibiling pang monitor ng blood sugar im 35 weeks help naman po if ano pwede gawin im also worried po kase
thankyouu po wala nmn po kame history ng diabetic etong nagbuntis lang talaga ako lumakas sa sweets and lumakas ako kumain kaya sguro pinag diet ako
Ako momsh may GDM ako. At fortunately nailabas ko na c baby khit super selan ko magbuntis, may hika dn kc ako. Nailabas ko c baby ng 35weeks,kaso naiwan pa cia sa hospital kc premature pero ngaun all is well na.. Hehe
Yes mamsh. Hoping for a healthy delivery. Natatakot lang ako nung sinabihan ako ng doctor na bka mwala si baby like i cant.
Thanks mamsh! Yes po nakadiet po ako and natatakot na nga ako kumain. And normal naman po paglaki ni baby. So far di pa naman po ako nag kakauti. Pero meron akong pinapahid sa ano kase nangangati at namumula ee.
Anu pong pina pahid niu mamsh? Ung akin kase makati din ee . Tnx
Hi sis. Im type 2 diabetic and 14 weeks preggy. So far okay naman daw si baby. Since nabuntis ako hindi na nataas sugar ko. Nagnormal na sya. Ask ko lang sana anong usual blood sugar mo sis?
Pregnant Of TWINS / Boy And Girl ♥