8 Replies
Bawal po sa ospital ang bote. Kinukumpiska po ng guard yan. Ganyan kasi nangyari nung manganak ako sa east ave. Dala ko milk canister at mga bote at nakalagay sa baby bag. Kinuha ng guard pag pasok namin sa ob ward. Binalik rin naman nung lumabas nanay ko at inuwi sa bahay.
Breastmilk kahit walang lumalabas talagang pinipilit ka nilang magpa breast milk ipadede lang daw ng ipadede ganun daw talaga sa una. Tyaka kung gusto ipadede muna sa ibang mamsh . Natry ko na mag donate ng milk and magpadede ng mag baby nung nasa hospital kami.
Sakin non wala lumalabas na gatas piniga ng nurse utong ko. Sobrang sakit. Meron naman daw ipalatch ko lang. Di talaga nabubusog anak ko kaya kung kani kaninong nanay na kasama ko sa ward nila pinadede.
Hindi. Bawal ang feeding bottles sa nga hospital kasi nagpopromote sila ng breastfeeding. Sabihin mo sa mga nurse o sa doctor yung about sa breastfeeding para matulungan ka nila.
Naku, sa hospital na pinanganakan ko nagpadala ng bote yun pedia ko. Nadisappoint nga ako eh..
Ako non maiyak iyak kc bawal sa ospital ang formula. Required nila na magpabreastfeed talaga
Bf ata mostly sa ospital, iba pinapadala ng breast pump..
no. protocol po nila ay breastmilk ang i introduce kay lo