pimples during pregnancy

Hi mga mamsh, tinadtad ako ng pimples.? Ano gamit nyo na skin care? 12 weeks preggy ako . Baka kay tips kayo ?

pimples during pregnancy
24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Hi sis. Mag safeguard pink ka nlang. Tinigyawat din ako at early pregnancy pero sa balikat lang at likod. Wala sa mukha. Kasi lagi ako hilamos para iwas oily skin tapos wala na ako nilalagay na kung ano ano. Pero syempre magkakaiba tayo pagbubuntis at ng pregnancy hormones. Pero safeguard pink try u padin mild lang naman yun 😌

Magbasa pa
VIP Member

Same. Tho sakin mapula buong pisngi ko. Natural lang daw magkapimples dahil sa hormones wala rin tayo masyado magagawa kasi lalabas at lalabas talaga. Mild soap and water lang. Then para hindi magka pimple marks try to use fresh aloe vera para hindi mangitim iwas din po sa mga chemicals na pampatanggal ng pimples. 😊

Magbasa pa

Careful po sa skincare pahiyangan din kasi. Best advice ko po ay wag mapuyat. Npansin ko dumami pimples ko during my first 2 months of pregnancy kasi late ako natutulog. Now I see to it na dapat tulog na ako before 10pm and if I wake up in the middle of the night to pee, pipilitin ko talaga sarili ko mkatulog ulit.

Magbasa pa

Same tayo nung first few weeks ko ang lalaki pa nga nung sakin tas pulang pula pa. Unti-unti lang naman nawala yung sakin bioderm lang or safeguard lage ko gamit. Tas lage ako kumakain ng gulay at prutas. 26 weeks nako ngayon at sa awa ng Diyos malinis na ulit ang mukha ko. 😊

Same situation tayo momshy nung mag buntis ako. 1st trimester ko ganyan din dami pimple and then naka recover naman ang face ko nung nag 2nd trimester na ko. yung skincare routine ko sabon lang. sinamahan ko din ng kauntin panalangin 😘 mawawala din yan don't worry 😊

Sa baby boy ko nag kaganyan ako nung pinagbubuntis ko pa sya. Tapos ngayon baby girl ko halos walang tagyawat. Mag kakaiba kase mga buntis.. Pero try mo safeguard pink maganda din sya since hindi pwedeng gumamit ng matatapang na sabon.

try niyo po safeguard na guava. Very effective sakin. Grabe din po ako magpimples. Hanggang back ko madami. Pero nung 1st tri ko since bawal nga mga ponds or matatapang na skin care products, nagswitch na ako sa safeguard na guava.

Ganyan ako nung first few months. D ako tinatagyawat pero nung nagbuntis ako juskopo. Hahahahahahahah Ingat tayo sa skin cares ah. Ako d ako nagskin care basta wag mo lang po hawakan, tirisin. Magsusugat po yan.

VIP Member

Mawawala dn po sya ng kusa mommy. Yung sakin sa balikat q andami. Sa face ko naman ang gaspang ng feeling ko hahahah. Normal sya dahil sa pagtaas ng hormones .hayaan mo mawawala dn yan momsh

Mumsh, enough sleep dapat. Super laki ng factor na yon. Same here. Nakakastress yung pagdami ng pimples pero sabi for healthy skin, talagang importante yung 8 hours of sleep