Yellow Baby
Mga Mamsh! Tanong lang, usually ilang weeks or aabot ng months ba yung pagiging yellowish nila baby? Medyo slight yellow si baby dahil sa blood incompatibility namin :( sabi ng OB, ibilad lang daw. Nilalabas naman talaga namin sya sa umaga at sa hapon, pero medyo na wo-worry parin ako. Share me your thoughts

Kapag lalong nagiging yellow si baby balik mo sa pedia pero kung nawawala naman tuloy mo lang. May nabasa ako na talagang phototherapy lang magbbreakdown nung jaundice ng baby, need kasi nung blue light spectrum and sa pagpapaaraw konti lang nakukuhang blue light. Sa ibang bansa nga di pinapaarawan ang babies. Pero basta nagpupu yung baby, malalabas din niya yung bilirubin sa katawan niya until makacatch up yung liver niya sa pagprocess. Nung nabasa ko un article na yun di ko na pinaarawan si baby ko kasi mukhang nasunburn ko na siya, nawala naman ng kusa after lampas 2 weeks pero wala naman kami abo incompatibility, exclusive breastfeeding lang si baby at nasabihan kami ng pedia na pwede umabot ng 2-3 months (months talaga di weeks, di ko sure kung nagkamali siya) yung breastfeeding jaundice.
Magbasa pa



A mother of a beautiful fairy