Computer games

Hi mga mamsh. Tanong ko lng kung ung mga partners nyo pinapayagan nyo mglaro ng computer/mobile games? Pinag aawayan nyo rin ba? Ung hubby ko kasi pag matutulog n kme palihim sya mgbubukas ng computer pra maglaro sya. Tpos sa umaga tatanungin ko siya if nglaro sya sasabhn nya hnd kahit na nkita ko na nglaro tlga sya. Prang nakakawala ng trust. Ilang beses n kasi sya ng commit na mgququit na sya pero malaman laman ko ngsisinugaling lng pala at hook na hook prn sya sa computer games. May mga mamsh b n may same struggle with me?

58 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Samin mamsh pinapayagan ko sya mg ml un lang nman nilalaro nya minsan 2 kmi ng lalaro, un lang po kasi libangan nya as long nagagawa nya responsibility sa bahay wala nman po ako nakikita wag sya pag bawalan . Pero ok din pag bawalan lalo pag sobra na yung time nya s laro mali na un

I mean, kung di naman nya kayo pinapabayaang mag-ina, bakit kailangan mong pagbawalan or paghigpitan mag computer/mobile games? Kailangan din naman maglibang ng mga lalaki. Feeling ko gusto mo sayo lang atensyon ng asawa mo kaya ka ganyan. Wag selfish sis. Hays

Ako naman mommy labag tlga sa loob ko na payagan sya mglaro lalo na nababawasan na attention saamin ng anak nya. Pakiramdam ko kasi mas importante pa paglalaro nya kesa samin magina. Hnd ko rin alam pano sya papatigilin lalo na apektado n ang relationship namin

Ok lang naman maglaro basta may kimit lang sa sarili hinde ung wala ng magawa pati communication ay naapektuhan na kc mas maraming time sa celphone keysa sa inyong dalawa o sa mga anak ninyo un ang masama saka hinde dapat pinapakita sa nga anak ninyo.

Ako po hnd ko sya pinapayagan. Kasi napansin ko simula ng n aadict sya sa games hnd na ok quality time namin mg asawa. Lalo n mgkaka baby n kme ngayon. Mgiging divided lalo attention ny. Kaso nahihirapan din sya mag quit. Pinagaawayan dn namin mamsh.

Me hinahayaan ko Lang sya as long as Hindi nya kami pinapabayaan..mas mabuti na Rin Yun kesa iba Yung ka sa ibang bisyo sila ma hook,.unawain na Lang siguro Kung Alam mong masaya sya sa ginagawa nya diba..pero kakausapin mo Rin sya na bwas bawasan..

Ako din momshie hinahayaan ko na maski nakakawalang tiwala na pag nagsisinungaling kesa iba pa gawin .... buti inaalagaan naman niya si baby pag umaga at hindi busy naglalaro ng games...ayos na sakin ung gabi siya magbabad maglaro lalo ngaung ecq

VIP Member

Hindi naman masamang maglaro basta nakakagawa yung mga dapat gawin as a partner ☺️ Yung partner ko ngayon puro din laro malapit ko na sapukin pero nagpipigil lang ako since inaalagan naman nya kami ng baby ko. Hahahaha

nung una ayaw ko rin, pero dahil un ang gusto niya, sinabayan ko siya. okay lang sakin. kaya pareho na kaming adik sa computer at mobile games. isa na un sa bonding namin pero may time limit lang din para hindi abuso :)

Ngayon na wala siyang work oo pinag aawayan namin kaya gumawa kami ng usapan na pag tulog lang si baby siya pwede maglaro lalo pa wala siya work mas napag iinitan ko pag nakikita ko nag gagames lang sya