Computer games

Hi mga mamsh. Tanong ko lng kung ung mga partners nyo pinapayagan nyo mglaro ng computer/mobile games? Pinag aawayan nyo rin ba? Ung hubby ko kasi pag matutulog n kme palihim sya mgbubukas ng computer pra maglaro sya. Tpos sa umaga tatanungin ko siya if nglaro sya sasabhn nya hnd kahit na nkita ko na nglaro tlga sya. Prang nakakawala ng trust. Ilang beses n kasi sya ng commit na mgququit na sya pero malaman laman ko ngsisinugaling lng pala at hook na hook prn sya sa computer games. May mga mamsh b n may same struggle with me?

58 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Support ko lang si hubby maglaro. Kasi naglalaro din naman ako ng games. As long as nagagampanan nya naman yung responsibility nya bilang asawa at di nya kami pinapabayaan ni baby. Hindi din kasi natin dapat inaalis sa kanila mommy yung mga pwede nilang pagkaabalahan. Unless nakakasama na sa responsibility or work nila. Tsaka mommy wag kasi natin masyadong ifocus yung attention natin kay mister. Hanap din ng sariling hobby para hindi nabobored na kailangan laging nasa atin ang atensyon ni mister. If naman nakakasira na talaga sa relasyon nyo try to talk to him na nakakasira ng tiwala yung pagsisinungaling nya and set some time na pwede syang maglaro para hindi sya nagtatago. Talk to him. Matanda na yan maiintindihan ka nyan. Wag mo lang daanin sa sigaw ah pag usapan nyo ng mahinahon ❤

Magbasa pa

for mas ok lang paglalaro niya kahit nga inabot sya ng madaling araw kaso ngaung quarantine lang namn sya ganian after qiarantine pagwork tlga work lng tlga sya bahay, trabaho, pagdating s bahay kakain lang sya then matutulog n d n sya masyado naglalaro, libangan kc nia kaya pinpabyaan ko nalng kesa magcause ng away edi mag go with the flow nalang tayo samahan ntin sila kung yan nagpapasaya sa kanila.. nkakaboring naman tlga kapg nsa bahay ka lang lalo n nsanay sila palaging nsa labas, mas better na games kaadikan kesa maghanap sila ng babaeng kaadikan nila, and games and anime lang namn kinaadikan ng mister ko kaya hinhyaan ko nlng pinagsasabihan ko lng if sumubra n s puyat tintkot ko lng n idelete ko games nia but i never ko dinilete baka magaway kami tintkot ko lng hehehhe

Magbasa pa

Naglalaro si hubby ng computer games pero alam nya yung oras nya. Like, afrer lunch pag natutulog na si baby sa bedroom ayun naglalaro sya. Ako nagbabantay until 5pm habang sya ngllro. Hinahayaan ko naman. Bsta pag 5pm na, stop na sya ksi ako naman ang kkilos. 5pm time ko na maligo at magasikaso ng ibang gawain. Sya naman incharge kay baby. Nxt na laro nya bedtime na namin. Pero d sya ngllro hanggat d pa tulog si baby. Once tulog na, bahala na sya kung hanggang anong oras sya mgllro. Minsan 2am nggsing ako pra nagpadede, ngllro prin sha. D ko sya inaaway, hinahayaan ko lng bsta 8 in the morning nakabangon na kmi. D pde magpatanghali sya ng gising kai puyat sya mglro. Dun ko sya pgssbhan. 😊

Magbasa pa

Mahilig yung asawa ko sa mobile games kahit nung di pa kami nagkakakilala. Di ko sya sinabihan na bawasan or itigil yung libangan nya kasi yun lang naman hilig nya, di sya nag smoke and di maaya sa inuman 😂. Nakilala ko kasi sya na ganyan kaya hahayaan ko sya mag decide kung babaguhin nya yung nakagawian nya. Di mo naman kasi mapipigilan ang taong ayaw papigil. Pero pag need ko naman ng help nya iiwan nya yung paglalaro to tend yung needs namin ni baby. Mas dumalang na nga lang sya ngayon maglaro lalo na pag gising si baby, mas gusto nya na daw kasing laruin si baby kesa sa cellphone nya.

Magbasa pa
5y ago

Responsible parent po tawag dun 😊 I'm glad we share the same sentiment. Mas okay kasi talagang binibigyan din yung mga asawa natin ng time for themselves. Magliwaliw ganun. And yung games games na ganyan are better than other hobbies like drinking, smoking, mga babae 🤣 sample lang naman haha

For me, okay lang yung computer games or online games. Mas okay nga yon diba? Kesa nambababae siya. Yung asawa ko, hinahayaan ko lang siya maglaro kasi yun yung peace niya e. Pag hindi mo kasi pinayagan at pinag aawayan niyo yon, ayaw na niyang ipaalam sayo para lang hindi ka magalit or mastress. Hayaan mo lang siya maglaro. Hindi naman ibigsabihin na kapag naglalaro siya, e wala na syang time sayo. Dapat may "me time" pa din kahit mag asawa na.

Magbasa pa
VIP Member

Well sakin panay csgo at minecraft inaatupag. Kalaro nya mga pinsan niya. Hinahayaan kk naman siya kase masaya naman siya doon. Diko pinagbabawalan. If asa parents aki nakatira minemakesure kong magmemessage siya sakin na maglalaro siya and uyodate nya din ako. Di naman nawala yng bonding namen ng bf ko. May buhay padin naman siya chaka yun naman gusto nya eh. As long as di apektado relationship namen masaya na ako. :))

Magbasa pa
VIP Member

Yan ang “me-time” ni hubby, computer/mobile games. Saken okay lang. Pareho kami may “me-time”. Magkaiba nga lang ginagawa naman. May list kami ng dapat gawin for the day.. saka lang kami pwede mag “me-time” pag natapos na yun. Tama naman na mas ok yung ganes ginagawa kesa sa ibang pagkaabalahan (drugs//babae/alak). Pero kung nkakapekto na sa mga responsibilidad niya sa bahay...hindi rin naman tama yun.

Magbasa pa
VIP Member

Kailangan din naman nila mister ng "me time" yung walang iistorbo sa gusto nilang gawin like online games. Ako hinahayaan ko mister ko, kasi pagod naman siya mag alaga sa toddler namin at sakin kasi buntis ako, so gabi lang ang time niya na hindi naiistorbo, matutulog siya mga 3am then hinahayaan ko siya gumising ng 11am para naman sa mga duties niya. Give and take lang kami 🥰🥰🥰

Magbasa pa

Maglaro ka rin kaya hahaha Ako kasi di ko pinakekeelaman ano gusto gawin ng asawa ko. Gamer na siya bago pa kami magkakilala. Okay lang magpuyat siya. Basta wag siya matutulog during work kinabukasan, work from home kasi siya. Naglalaro din ako momsh. Minsan magkalaro kami. Kaya siguro nagsisinungalin kasi pigil ka ng pigil. Pinakasalan mo yang ganyan, dapat tinaggap mo na di ba?

Magbasa pa
Post reply image

Ako din dati nung preggy pa ko gusto ko din patigilin partner ko pag laro ng computer games. Pero nag away lang kami 😅 naisip ko nalang mas okay na maglaro sya kesa naman mambabae sya 😅😅 ngayon naman mas gusto ko na maglaro nalang sya dito sa bahay kesa pumasok sya sa work nia. IT kasi sya sa isang ospital nag aalala talaga ko pag pumapasok sya 😢😢

Magbasa pa