Worried ?
Hello mga mamsh!!☺️ tanong ko lang kung ano tong nangyare sa skin ko, mahapdi siya kapag nabibinat or napapawisan minsan naman sobrang kati. Anong pwedeng igamot dito? Thankyou sa sagot mga mamsh!☺️
Hi sis alam mo ganyan na ganyan lagi likod ng asawa ko ang sabe sakin ng mama ko sa pawis daw yan lalo na sa mga acidic, ang ginagawa ko sa ganyan ng asawa ko pinapahiran ko ng alcohol lagi hanggang sa magbakbak siya then pag alam kong namamalat na saka ko papahiran ng lotion para lumambot tapos kakamutin kosiya gamit suklay ayun mababalatan na siya usually 3-4days wala na siya kaso babalik din kasi mainit ang panahon ngayon
Magbasa paSa init po ng weather natin yang mommy na may kasamang bungang araw..makati talaga na parang may tumutusok pa😁konti lang sa akin sa likod po..ginagawa ko ligo ako 3x a day at lagi po ako naktutok sa electric fan kc buntis din ako kaya lagi init ng feeling ko..
Momsh same tayo... Akala ko ako lang... Sa panahon daw yan sobrang init... Pati anak ko na 4 year old ganyan din.. Bungang araw daw.. Aside sa aming dalawa.. Yung katrabaho rin ni mister ganyan din nangyari sa anak at asawa niya ..
sa akin di mahapdi. Medyo makati at magaspang siya. 😔 Kaya inom lang ako dami water pati nag sasabon ng dove na white. as of now nawawala na siya. pero di ko parin alam kng ano tawag sa gnyan
Parang super dry po ng skin ninyo? Before super kati po ng katawan ko all over then nag shift ako sa oilatum soap and cetaphil lotion. So far hindi pa po ako nangangati ulit
May ganyan din aq sis sa bandang ilalim ng dede at leeg.. oil or moisturizing lotion ipinapahid q di na xa msydong nangangati.. sa sobrng pawis cguro natin yan..
Hi sis same po tau may ganian din aq..8 months preggy po aq kaya sobrnag init s katawan..gingawa qpo 3x a day aq naliligo at hindi q sya kinkamot..
Ganyan den saken ngayon simula nung lagi ako napagpapawisan hanggang ayun bungang araw pala kaloka ang kati na ang hapdi pag nababanat
Same din sakin sobrang kati tas mahapdi pero hnd ko kinakamot hinahayaan konalang medyo nawawala na
Ganyan din po sakin e. After ko manganak nabinat din po ko kala mo may tumutusok tusok pa