Hindi na attractive
Hi mga Mamsh! Sino po dito nakaka Experience na parang wala na gana si Partner sa inyo :( I'm 7 months pregnant. Nararamdaman ko po kasi na parang iwas po siya sakin, pag naglalambing po ako parang wala lang po sa kanya tapos minsan pag natutulog po kami iba po position niya like (baliktaran kami o kaya nakatalikod siya sakin) feeling ko po tuloy ang panget panget ko lalo na po ngayong nagsilabasan na po mga stretchmarks ko. :( umiiyak nalang po ako ng patago mga mamsh na dodown po ako.