Hindi na attractive

Hi mga Mamsh! Sino po dito nakaka Experience na parang wala na gana si Partner sa inyo :( I'm 7 months pregnant. Nararamdaman ko po kasi na parang iwas po siya sakin, pag naglalambing po ako parang wala lang po sa kanya tapos minsan pag natutulog po kami iba po position niya like (baliktaran kami o kaya nakatalikod siya sakin) feeling ko po tuloy ang panget panget ko lalo na po ngayong nagsilabasan na po mga stretchmarks ko. :( umiiyak nalang po ako ng patago mga mamsh na dodown po ako.

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din partner ko . Di na tulad ng dati ! Di na rin nagkikiss sakin pagpapasok at pauwe . Kikiss nya lang tyan ko πŸ™‚ pero dahilan nya bawal mag kiss sa lips kasi may virus pa πŸ˜‚πŸ˜‚ dati minsan isang plato lang gamit namin ngayon ayaw nya na (nyawa!) nag iingat lang daw sya para sa amin ni baby . (okay!) Saka lang sya yayakap pag nakaligo na pero ayaw talaga mag kiss 😏😏 sa pagtulog din mamsh halos ayaw nya na tumabi sakin 😩 Sabi ko sa kanya sige ganyan ka na sakin . Porket malaki na ilong ko at nananaba ako pumanget nko wala ka ng gana ha ??? Bantay ka sakin😀 ! Tapos sagot nya sakin baka madaganan na naman daw nya tyan ko minsan kasi mamsh nanaginip sya tas di nmn sadya bigla sya bumangon na out of balance nadaganan nya tyan ko kaya natatakot daw sya baka mangyari ulit . Siguro dala ng pagbubuntis napakamadmdamin ko . Try mo po kausapin si partner mo mamsh sabihin mo po nararamdam mo .

Magbasa pa

Si hubby ko sinasabihan nya ako na "ang panget mo ma" simula nung may lumabas sakin mga pimples. Pero gustong gusto nya din dahil lalaki daw si baby namin kaya daw panget ako πŸ˜‚. Alam nyo na sinasabi ng iba kapag panget ka daw magbuntis lalaki daw baby mo and tama nga it's a boy πŸ₯°. 23 weeks preggy na ko bukas. At baliktad naman hubby ko, super sweet nya at super maalaga. Iniiwasan nya na ako dantayan kasi baka matamaan si baby sa tiyan pero lagi naman syang nakayakap sakin. Kung iiba naman sya ng pwesto gusto nya nakadikit parin ako sa kanya. At lagi nya kinakausap si baby lalo na pag minsan may tampuhan kami mild lang naman, kase naririnig na daw ni baby mga pinaguusapan namin kaya nagsosorry sya 😁

Magbasa pa
VIP Member

Ganyan din mister ko ngayon, pag matutulog na mejo nka distansya sya sa akin at tinatalikuran nia ako. Pero naiintindihan q kasi nung d pa ako buntis gabi gabi sya nka dantay/tanday sa akin. Iniiwasan lang dw nia na maipatong sa akin ung mabigat niang binti πŸ˜‚. Pero lagi nia hawak ang kamay ko kapag nkahiga na kami, lagi nia din ako kinikiss. 😍😍 (Sorry nag share lang ako, kinikilig kasi ako ❀️❀️) Sa case mo mommy kausapin mo c hubby mo kasi baka ang rason naman nia e nag iingat lang sya kasi mejo malaki na tummy mo. Baka nga naman matamaan nia. Wag ka mag isip ng di maganda baka d makabuti sa inyo ni baby. Instead, pag usapan nio para aware sya sa nararamdaman mo. ❀️

Magbasa pa

dati ganyan din yung naramdaman ko pero pinilit ko na intindihan niya kahit minsan umiiral yung pagiging emotional dahil buntis nga ako noon pinakirandaman ko cya sabi ko sa sarili pag ito nanlamig mag mamatyag ako dito at pag ako may nahuli i will not give you a chance, until now i still feel his movements i observe him. alam niyo kasi mga mommy hindi uso sa akin ang chance chance ehπŸ˜… once you cheated on me there is no right back kaya ko na walang lalaki sa buhay ko dahil anak ko lang sapat na sapat na para sa akin.

Magbasa pa

wag mo masyadong damdamin mommy tulad nga sinasabi ng mga momshie. baka iniingatan lng kau ni baby lalo na tau mga mommy mnsan hirap at malikot nadin tau matulog. kami namn ng hubby ko magkahiwalay na kmi matulog kasi ayuko ng may ktabi malikot ako matulog.gusto ko malki space ko. at gusto ko malmig e yung hubby ko nmn ayaw ng malamig. so ok lng i understand namn. dont think negative nnaksama satin at sa baby ok😍

Magbasa pa

Baliktad naman sakin. Ang asawa ko sobrang sweet sa akin lalo na nung nabuntis ako. lagi nakasiksik at nakayakap, kinakantahan si baby sa loob ng tummy ko kahit 18weeks pregnant pa lang ako. kung di makakatanday at least yung mga paa namin magkatanday at magkahawak kamay kami pag tulog. Haaaay sarap pag inlove ang asawa talaga. πŸ₯°

Magbasa pa

ngek,bkit namn sya ganyan,,ask mo sya mommy.i open mo sa knya,wagmo sarilihin ,mas maganfa kc alam mo kong bkit,,mas maiintinfhan pa natin,,for m mommy ha,nkaranas kc ako ng ganyan sa hubby ko,lalo n kong magsisilos or may kakaiba,kinokompronta ko kaagaf kong bkit?kya para aware ka,ganyan gawin mo mommy.

Magbasa pa

6months naman po ako pero hindi naman po nagbago. lagi pa nya ako sinasabihan na ang ganda ko hindi nagbabago at sweet din po. talikuran kami matulog nuon pa man haha kung san ako kumportable tapos yayakap nalang sya. try mo po kausapin minsn din po kasi sensitive tyo mga buntis. pero mag usap po kayo..

Magbasa pa
VIP Member

7 months preggy din ako ngayon mommy. Pero mas naging sweet sakin c mister at maalaga. Pag na tutulog talagang talikuran kami kahit di pa ko buntis. Basta naka pag kiss na kami matic na tatalikod na πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚. Mas maganda ka usapin mo na lang sya para aware sya sa feelings mo.

look at the brighter side mommy. dont stress ur self. positive mindset dpat. Bka kasi iniiwasan nya lng n mgkaron kayo ng physical contact kasi bka hindi nya mpgilan sarili nya, bka ng iingat lng sya pra s safety ng baby nio