OBIMIN PLUS
Mga mamsh same ba tayo ng reaction sa obimin plus? Nakakasuka,sinisikmura,pinapawisan ng malamig. Ano pa kayang magandang alternative na vitamins? Salamat po. 14weeks preggy
Ganyan din ako Momsh pero nilipat ko ung time intake ko niyan from breakfast to dinner. Para if in case nahihilo ako, nakahiga nalang ako.
Ganyan ako nung first inom ko pero nagre’search ako then may nabasa akong inumin daw after meal lalo na after lunch. Okay na siya.
Yes momsh pero naovercome ko na yung pagsusuka ko. after lunch ko po sya tinetake, then, maraming water tpos wag ka kaagad hihiga.
Wala naman akong naramdaman nung ako nainom nyan. Umaga ko sya iniinom noon. Medyo malaki nga lang tsaka napapangitan ako sa amoy
same experience po sis, pero pinapalitan ko sa ob ko, then ni replace niya ng natalwiz. mas maliit siya compare dyan sa obimin.
Obimin din iniinom ko ngayon on my 14th week.. Akala ko ako lang, sobrang hilo at suka ko din after mag take nyan.. Tiis lang.
Napansin ko din momsh nagsusuka ako sa obimin plus. Nagpalit ako ng clusivol ob ok naman cya so far di pako nagsusuka ulit.
Nag take dn ako ng obimin plus for 2 months,okay nmn sakin at wala nmn ako ibng nararamdaman.baka hiyangan lang sis
Ako din,sumusuka dun dati. pero sabi ni ob pinaka better daw ung obimin kaya tiniis ko n lang. ngayon okay n ko
Sabihin mo po sa ob mo, ako po nung nag obimin nahirapan magpoop.. Kaya pinalitan niya ng ibang multivitamins