PDE PO BANG MAGBUNTIS ANG MAY PCOS o MYOMA, CYST

Mga mamsh may possibility po ba na mgbuntis kahit may pcos or myoma/ cyst. meron po ba dito mga mamsh na nagbuntis n may ganyang cases po. Ano po ang ginawa nyo. pasagot nmn po at pa advice. salamat po in advance

70 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yes mamsh, pwedeng pwede po! Since college irregular na periods ko. Napabayaan ko weight ko for soooo long. Na-diagnose ako ng PCOS at 26 years old (34 na ako ngayon) kaya nag-on/off low carb diet ako and on/off exercise din. Pinag-pills ako for about 6 months pero tinigil ko rin after 6months and NEVER looked back (band-aid solution lang ang pills, trust me). Hindi ako nag-commit to a totally healthy lifestyle until last year (I was 33, just broke up with my bf of 3 years and losing hope na magka-baby pa). January of last year nahilig ako mamundok (buong taon kong inenjoy ang mountaineering). Nag-jogging ako mga 4x a week mula January to June. Come the rainy season (July) nag-enrol ako sa Pound for Pound Fitness (crossfit gym) and na-stop rin ako temporarily sa pamumundok at pagjjogging kasi nga panay ang ulan. But I went to the gym 4-5 x a week since then! Nag-low carb diet, cut sugar out of my diet, religiously took Vitamin E supplements, apple cider vinegar, and only drank MX3 coffee (paminsan-minsan brewed coffee, but never 3-in-1 kasi ma-sugar masyado). Ito pagdating ng January this year I met someone and grabe sis, feeling ko unang sex pa lang namin nakabuo na kami 😁 (gym buddy ko siya) -- please don't judge. I am now almost 4 months pregnant. Walang imposible, basta alagaan mo ang health mo. Idagdag ko rin na dapat healthy din ang partner mo para mabilis kayo makabuo. Partner ko kasi walang bisyo, adik sa gym, adik sa jogging, healthy eater at healthy living talaga. Sana makatulong.

Magbasa pa