Labor??????

Mga mamsh pasagot naman po, paano po ba ang pinagkaiba ng labor sa normal n sakit ng tyan, bukod sa pagputok ng panubigan. Minsan ksi nasakit tyan ko kala ko labor na e 35weeks preggy po

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. False labor, magko-contractions or sasakit ang tyan mo pero mawawala din kapag ipinahinga or itinulog. Ang labor, kahit ipahinga or itulog mo hindi na mawawala ang sakit. Magtutuloy-tuloy na. Sasakit ang tyan mo for 1 minute tapos hihinto, uulit ulit ang sakit after 30 mins. Magsisimula sa 30 mins ang pagitan ng sakit tapos, iikli ang pagitan, hanggang sa sasakit ang tyan mo every 3-5 mins. Kapag ganon active labor na pwede na manganak. Yung sakit niya parang menstruation or pulikat, pero mas intense, yung tipong mababangag ka sa sakit.

Magbasa pa