Normal ba na maitim at super dry skin ang singit?

Mga mamsh. Normal lang ba yung ganito na sobrang itim as in black yung singit ko at medyo makati sya kasi dry skin? Nung panganay ko baby boy di naman ako nagkaganito, ngayong baby girl tsaka pa umitim ng sobra. Pati kilikili ko at yung batok medyo nagsisimula na ring umitim. 😞 Nakakahiya kasi next month manganganak na ko. Kayo ba musta mga singit nyo? Any tips po mga mamsh.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

makati din singit ko tapos nagbabalat balat sya pag natutuyo, kaya halos di nako magsuot ng underwear sa bahay dahil pag naiipit lalong kumakati at sumasakit. Nagswitch ako ng soap into mild then may ginagamit ako calmoseptine, nakakahiya kasi kabuwanan ko na next month tapos di fresh ang singit 😆🤣 so far ayos na naman sya basta nilalagyan ko lang calmoseptine.

Magbasa pa
2y ago

1 week ahead ka lang pala sakin sis. hehehe. 34 weeks na kami bukas. Good luck satin, nawa'y mairaos natin ang mga babies natin ng matiwasay. 🙏