35 weeks preggy

Mga mamsh, normal lang ba na hindi na masyado magalaw si baby sa tiyan ko? Kasi wala na masyado space? Napapraning kasi ako haha. Hinahanap hanap ko yung active siya at sipa ng sipa nung earlier weeks.

31 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Relate much... Basta sabi ng OB ko nun dapat sa isang araw maka 10 kicks si baby o lampas..pag daw bumaba sa 10 hindi maganda yun..kaya binibilang ko everyday kung nakailan kicks sya...pag kasi nasa ganyan weeks na wala na sya masyadong space kaya hindi na sya ganun kalikot...ask your OB na rin.

Yes po di nasiya masiyado magalaw niyan moms kasi medyo yung space niya wala na. Then atleast 10kicks every 2hours. Bilangin mo moms. Minsan sa ob sa loob ng 24hours yung 10kicks. Sa iba naman po 2hours dapat may 10kicks si baby.

pag less movements and worried ka sabhin m s OB m and suggest an ultrasound. ganyan kasi ung naexperience ko less movements n c baby buti n lng nagpaultrasound ako un pala konti na lng amniotic fluid sa loob.

6y ago

Ano po gnwa ob u nung nlman n konti n lng amniotic fluid u?

VIP Member

dapat gumagalaw pa din sya mamsh. kahit di masyadong malakas yun kasi sabi ng OB ko eh kailangan lagi silang gumagalaw kahit di naman todo atleast nararamdaman mo pa din siya.

I'm also 35 weeks now mas malikot sya, nag woworry din ako pag di sya gano malikot. Observe mo sya the whole day hanggang pag tulog. Kung bihira sya gumalaw better consult ob

Same po tayo 35weeks .. ndi ndin siya ganun kagalaw pero time to time pinapakiramdaman ko si LO ko .. kc masama daw kapag puro paninigas Lng dapat gumagalaw din daw siya ..

Dapat may movement pa din po sya kahit lumiliit na space nya sa loob. Pwede ka magpatugtog or kumain ng matatamis para magreact sya if wala pa din go to your OB asap

Basta po every hour dapat nararamdaman nyo syang nagalaw kahit mahina lang. Inom kang tubig na malamig or mainit para gumalaw sya. Pag feeling mo hindi nagalaw.

VIP Member

35 weeks din ako mamsh pero sobrang likot ni baby feeling ko di siya natutulog haha. Observe mo lang siya then sabihan mo agad si OB kung nagwoworry ka.

Dapat mas magalaw sya dahil 35weeks na sya.. dapat mas ramdam mo mga movement nya nyan...pero may mga baby nmn tulog kasi ng tulog sa tyan..