NANINIWALA BA KAYO SA ASWANG ?

Hello mga mamsh, naniniwala po ba kayo sa mga aswang ? Kase po ako mukang oo na po. Ilang araw na daw po kaseng may naglalakad sa bubong namin. At ako lang po ang di nakakamalay nun. Ilang araw nadin po ako di makatulog sa sobrang init yung tipong gusto ko na po matulog ng nakahubad. Btw wala po ko kasama pag gabi nangungupahan lg po kami ng asawa ko call center po work nya kaya ako naiiwan pag gabi altough yubg kwarto namin nasa loob naman ng bahay. Kwarto lang kase ung inupahan namin. Tas yung nga po natatakot kase ko wala ko kasama pag gabi na lalo pa nalaman ko yung naglalakad daw gabu gabi sa bubong sabi ng mga kasama namin dto sa bahay. Yubg may ari po ng bahay. Lahat sila naririnig un ako lg hindi nakakamalay. Magpatong daw po ko ng julay red na tela sa tyan ko. Sinabi kona po sa mama ko about dto sabi nya maglagay ako asin sa kwarto at maglagay kalamansi sa tyan para di maamoy ng aswang kase mabango daw sa kanila ganitong buwan. 34 weeks na po akong buntis. Naglagay nadin po ko bawang sa tyan. May maadvice pa po ba kau na pwede ko pa gawin ? Nagdadasal din po ko bago matulog.

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi ako naniniwala, pero non nagbubuntis ako sa bunso ko may kakaiba ko lagi nararamdaman, parang may kasama ko lagi sa bahay kahit magisa lang ako.. Feeling ko twing buntis ako may mumu na nakabantay sakin di ko mapaliwanag pro kapag natutulog ako nagigising ako na may humahaplos sa mukha ko na malamig na ewan. Nasa abroad kasi si hubby kya kaming dalawa lang ng anak ko ang magksama s bahay.

Magbasa pa
6y ago

May nabasa din ako dito sis na mga ganitong stories s ibang buntis nakakaranas din sila ng mga ganyan.. Actually hindi ko na tinapos basahin natakot ako ksi nakakatakot talaga un mga kwento nila.. πŸ˜₯