28 Replies

Oo naniniwala ako 12am and 3am exactly laging may naikot sa bubong namin sa mismong posisyon ko mismo sya ikot ng ikot parang di mapakali di rin kasi ako makatulog pag ganun lalo na may nag iingay. Ang ginawa ko nung kinabukasan lagi akong nagsusuot ng black na damit at nagkukumot na pula tapos may asin sa bintana at walis tingting na nakatayo sa pinto saka mga nakasabit na bawang. Sobrang na trauma nako nung 20 weeks palang ako kase di ako naniniwala dyan kaya lagi ako nakatihaya, nakapwesto sa bintana at mahilig bumakaka then nung kinagabihan wala talaga akong naramdaman kahit ano pagka gising ko nalang ng umaga at 5am di mapakali ate ko sa nakita nya maitim na mabalahibo nung una natawa lang ako tapos nakita ko yung mga bakas ng laway, alam mo yung aloe vera na walang bula? ganon sya kalat na kalat as in tapos ang lapot napakadami malapit sa paa at buti nalang talaga naka kumot ako na pula.

kaya nga po eh di naman masama kung susundin.

oo naniniwala ako sis sa ganyan, lalo na’t may lahi kaming bisaya, laging may itim na pusa dito samin pag mag-isa ako lagi syang humuhuni, tapos pag gabi din mga kalagitnaan ng gabi nagiingay din sya, kaya simula non pinagsuot ako ng mother ko ng itim na damit para hindi daw nakikita si baby ko, tsaka lagi din nakabukas ilaw dito samin. May time nga na napatay yung ilaw sa kusina namin nakalimutan buksan ulet, ayon nagising ako ng walang dahilan tapos ang init init ng hangin pero kinikilabutan ako na ewan. Diko pinansin pero nakikipagtitigan ako sa dilim na parang may tao akong tinititigan kahit wala naman talaga 😅 Pray ka nalang din lagi sis. ☺️

Hindi rin ako naniniwala sa aswang before. Pero nung 2-3 months tiyan ko, laging may naglalakad sa bubong namin na ang lakas ng yabag ng paa. Nung una iniisip ko pusa lang yun para di ako mapraning pero girl, kahit umuulan may naglalakad parin sa bubong huhu. Imposibleng pusa yun e kasi takot ang pusa sa tubig (base on my opinion), kaya after non naniwala na ko sa aswang. 😅 Mygahd naman kasi every madaling araw 1-3am sila nag-iingay sa bubong like wth? Buti nalang ngayon medyo wala wala na, minsan nalang.

VIP Member

Bakit calamansi , pagkakaalam ko bawang ang nilalagay, anyway naniniwala ako.jan , kasi nung nag 8 months na tyan ko , 10pm nagutom ako ag niyaya ko hubby ko kumain sa labas paglabas namin sa tapat lng nv pinto namin may gamogamo itim sya., ung bahay namin dikitdikit parang hotel or building na kung saan naka stay in ung mga katrabaho ng asawa ko , chinese asawa ko sinabihan pako ng siraulo bakit daw ako nagsasaboy ng asin sa labas 😂HAHAHHA kinabukasan nawala namn na sya .

itim na damit suotin muh sis tapos magsabit ka ng bawang tinting 3 piraso itayo muh ng nkabaligtad at mag lagay ka din ng asin. pero aq ginawa q lang ngsabi ng bawang hahha. ganian din aq sabi ng kapatid q inaaswang daw aq pero aq wla maramdaman. kapatid q kc kung matulog dis oras na ng gabi kaya sya nkakaalam pero di q naniniwala na inaaswang aq haha pero wala nman mawawala kaya nglagay nlang aq panang gala

Hindi ako naniniwala, pero non nagbubuntis ako sa bunso ko may kakaiba ko lagi nararamdaman, parang may kasama ko lagi sa bahay kahit magisa lang ako.. Feeling ko twing buntis ako may mumu na nakabantay sakin di ko mapaliwanag pro kapag natutulog ako nagigising ako na may humahaplos sa mukha ko na malamig na ewan. Nasa abroad kasi si hubby kya kaming dalawa lang ng anak ko ang magksama s bahay.

May nabasa din ako dito sis na mga ganitong stories s ibang buntis nakakaranas din sila ng mga ganyan.. Actually hindi ko na tinapos basahin natakot ako ksi nakakatakot talaga un mga kwento nila.. 😥

wala mawawala kng maniniwala tayo. sa tatlo kong anak nrnsan ko yan. red na tela na may nakapaloob na tatlong tangkay ng siling labuyo ang pinalagay sken nung buntis ako. kpg dw nsa bandang kanan ung ingay mean nsa kaliwa ung tiktik. ibon lng nmn po yun . ms nkktakot pa ung nkakakita k ng asong sinlaki ng tao na kulay itim pero mata kulay pula

VIP Member

Bawang lagay mo sa pusod mo , saka paligiran mo ng asin yng bintana , mo at higaan mo , maglagay ka narin ng bawang sa bintana ganun ginawa ko e puro puno panamn dito sa amin . Kaya naglagay ako di namn masama kung susundin wala namng mawawala.basta sating mga magiging ina takot tau mawalan lalo na nasa tyan palang natin sila

Maglagay ka ng bawang sa bintana tsaka rosary or yung krus mismo kada bintana lagyan mo. Yung bawang kung may makita ka nung bawang tagalog ata tawag nila dun yung maliliit pero nakatali sila na buo. Tapos wag ka nalang magpapatay ng ilaw mo kapag gabi. Maglagay kana din ng asin. Walang masama maniwala sa mga kasabihan ng matatanda

Ako naniniwal,khit malaki ung tiwala ko ky god.nkakaramdam kc ako.mabango kc ang amoy pag buntis.pag hihiga k sis sa left lng tapos mag cover k ng black or red na t shrt sa tyan mo mag tabi karin ng rosary sa gabi ako nkasanayan ko na hangang sa n nganak nko rosary ko ktabi n ni baby lalo n gising kmi pag madaling araw.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles