Anterior Placenta

Hi mga mamsh. Meron po ba dito normal delivery pero anterior placenta? Or ano po ba mangyayari kapag ang placenta ay anterior? Thank you po. #firsttimemom #30weekspreggy

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello mi, team May here. first time mom, anterior placenta and low lying din pinagbedrest ako at till 2nd trimester, niresetahan ako pampakapit😅 pasaway din kase ako kilos ako ng kilos. 29 weeks and nakacephalic position na si baby. as per my OB kaya ko inormal delivery si baby wala naman problema as long as wala complications si baby sa loob at wala kang placenta previa☺️ yun nga lang di lang masyado visible sa tiyan yung galaw ni baby pag nasa first weeks of 2nd trimester. pero ngayon, super active di nako nakakatulog ng maayos kakaihi at minsan may masakit nadin siyang galaw madalas niya ipunching bag yung tiyan ko huhu tapos ang hirap makahanap ng pwesto sa pagtulog. minsan pa pakiramdam ko yung ulo niya nasa pempem ko na🥲 sa super active niya may single cord coil na siya😅 pinamonitor tuloy ng OB ko sa doppler at home namin yung heartbeat niya.

Magbasa pa

Hi! Anterior placenta din po ako at breech si baby ko.. I'm currently 27weeks ☺️ napansin ko lang, nung D pa namin alam gender nya, super duper likot nya, kaya expect naming lahat lalaki sya😉 tapos nung malaman namin na girl sya huminhin na NG bahagya😊 pero malikot pa din🤗 may time malakas ung galaw, minsan naman pitik lang.. Meron pa nga po minsan, parang nasisipa nya ung pempem mo ganon, na magugulat ka nalang at biglang mapapahawak, at baka mamaya andun na isang paa nya😁Ganon daw po kasi pag anterior placenta 😊 based po sa nabasa ko, at naeexperience ko ngyon😊

Magbasa pa

ako anterior pero wala pa naman nagsabi sakin na hindi ko pwd ma normal delivery si baby, not unless suhi si baby yun talaga di pwd. tsaka anterior ako sobrang ramdam ko si baby kahit nung 19weeks plng tyan ko pero ngayon 35weeks na ko sobrang likot prn pero minsan masakit dahil nakatalikod siya sa belly minsan ang nasisipa niya yung ribs ko o kaya bladder ko kaya ihi na ako ng ihi ngayon madalas.

Magbasa pa

ako po anterior placenta pero naka cephalic position na si baby . normal nmn po lahat wala nmn pong sinasabe si ob ko na baka cs. anterior placenta is a normal placenta paren . normal delivery ka as long as walang complication like humarang ang placenta sa cervix .pag ganyan po possible po talaga na ma cs

Magbasa pa

Ako kasi twins, isang anterior at posterior. Ung baby A ko ay low lying kaya placebta previa. Ang baby B ko high lying. Not totally bedrest pero bawal ako mapagod at sobrang ingat ako since 29 weeks nako. Everyday din ako nakavaginal suppository.

ako po nung una anterior low lying pinag bed rest po ako.. kasi kapag bumaba sya naging previa ayun po yung nakaharang na sya sa labasan ng baby at cs lang po pwede.. ngayon po anterior high lying na ako..

wala namang problema kung anterior basta high lying ang placenta. Anterior nasa harapan ang placenta, hindi mo masyadong maramdaman ang galaw ni baby.

akopo anterior placenta tas breech pa si baby pero sobrang kulet nyapo sa loob as in. Lalo na sipa Ng sipa po hehe. 24 weeks nasya bukas.

Anterior din po ako ..nakacephalic si baby and .may Nakita ata ako sa google na mas better yung anterior highlying for normal delivery ..

anterior placenta po ako at sabi ni doc last checkup ko, wala naman daw syang nakikitang mali para hindi ko mainormal ang labor.