Breastfeeding
Hello mga mamsh! Meron ba dito pregnant ngayon, and still ebf sa first born? I'm currently 6weeks pregnant, and my 3year old daughter is still ebf. Every matutulog lang naman, sa hapon at sa gabi. Sinasabihan ko na sya na tama na kase mahihirapan na ako. Aware sya na may baby sa tummy ko, palagi nya kinakausap at hinahawakan tummy ko. Ang prob ko, kakausapin ko sya sa umaga na wag na magdede, ang sagot nya "yes para hindi kayo mahirapan ni baby" pero pagdating ng gabi sasabihin nya, "wala ka baby sa tummy mo?" Or "hati lang kami ni baby (sa dede ko daw)" tapos umiiyak. Tapos maiiyak na rin ako. Hanggang sa pagbibigyan ko sya. Hays ang hirap mga mii. Any tips please para bumitaw na sya.


