Hi mams. Tanong lang po ma spoil po ba ang breastmilk na pinump po ? Nagpump po ako 10PM naka 1oz lang po ako tapos ng pump ulit ako mga 1am naka 2.5oz na dn 4am po kaya umabot ng 3oz. Same lalagyan lang lahat. This morning mga 8am ngtransfer ako ng bote medyo may amoy yung milk. BTW di ko po nilagay sa freezer and medto malamig naman yung room namin. Thanks !😔#advicepls #firstbaby #1stimemom
Read moreI just want to share my birthing stories🥰. Pasensya medyo mahaba2 😂 EDD: Aug. 29,2020 DOB:Aug. 23,2020 39weeks and 1 day 4.9cm height 2.8kg weight Last Aug. 23 around 4:30am nagising ako to pee and medyo nakaramdam na ako ng kirot2 sa tyan so akala ko okay lang yun balik tulog ulit pero d na ako natulog kasi pinakiramdaman ko nalang tyan ko since magmorning na. Yung sakit ng tyan ko is 5mins interval agad pero tolerable naman sya. And panay ihi na ako and pagcheck ko sa undies may light brown na. Since kaya naman ang pain yung parang kinabag ka lang nglaro nlang ako sa shopee 😂 para pandagdag points since d na ako nakatulog ulit. Around 6am bumangon na ako ngluto pa ng lugaw and ng laga ng luya para inomin and i decided na mgpacheck nalang sa hospital kung saan ang OB ko since kabuwanan ko na. Mga 8am nakaligo na ako since wala hubby ko nasa duty pa, ngpasama na ako sa Ate ko puntang hospital dala lang namin gamit n baby kasi bka d na ako pauwiin. Mga 8:30am kami umalis sa bahay since malapit lang naman ang hospital nilakad lang namin para dn excercise ko. Luckily pagdating sa hospital naabotan pa namin ang nakaduty na OB kasi ready for out n daw sya and walang papalit na OB for that day. Pag IE sa akin nagulat kami ng OB na 8cm na agad ako. Tumatawa pa ako habang kausap si Doc kasi wala ako naramdaman na pain maliban sa natatae HAHHA. Prepare to admit na agad ako so yung nurse binigyan na akong form for admition pinagalitan pa ng OB kasi dapat d na ako magfill-up kasi manganganak na ako. So mga around 9 inakyat agad sa delivery room, panay sabi n Doc na push lang ng push para makauwi na daw sya agad. Kaya pagkahega ko and ngprepare pa sila papractice na ako magpush ksi panay hilab na ng tyan ko kaya for 3 long consecutive push lumabas si baby around 9:20am and i got 3rd degree stitches 😂. In Sha Allah di ako pinahirapan ni baby 🥰 For pregnant woman na malapit na manganak stay healthy and pray lang. Do more squat excercise kahit 30mins a day and drink or eat 🍍 #firstbaby #1stimemom #sharingiscaring #theasianparentph
Read more