βœ•

My PCOS Baby

Mga mamsh gusto kong ishare yung journey ko sa 2nd baby ko... pasensya na po medyo mahaba... CRAYE EDD: January 05, 2020 DOB: Nov. 29, 2019 NSD 3kg Regular ang mens ko nung dalaga pa ako hanggang naipanganak ko ung panganay ko when i was 18 yrs old(2012) pa nun walang naging problema until 2 yrs after giving birth sa panganay ko.. biglang di na ako nagkaroon ng regular na menstration , nagpacheck up ako then i was diagnosed with Pcos, so sabi ng ob , need ko magtake ng pills para maging regular ung mens ko but hindi un nangyari until minsan twice a year na lng ako nagkakaroon , then lumalala pa kasi merong isang taon akong di nagkakaroon, di ko na din kasi tinuloy ung pills ko kasi wala namang nangyayari, and kahit na magdiet ako nun, hindi padin ako nagkakaroon... dumating yung time na ipinagdasal ko na si God nalang ang bahala kung kelan niya ibibigay samin. Ung gustong gusto na namin ng asawa ko na magkaroon ulit ng baby kasi lumalaki na ung panganay namin, tapos kada magkakaroon ako after month magppt ako tapos puro negative lang hanggang sa hindi nga ako ngkakaroon so parang hindi na ako nagiisip na mabubuntis pa ako hanggat hindi ako pumayat ng bongga... Then sabi ko nung January 2019, need ko n talaga mgbawas ng timbang , so nung Feb. 2019 i tried yung herbalife na shake then sinunod ko ung mga diet plan na ginawa sa akin ng coach ko after kong maubos ung isang canister, naglose naman ako pero hindi padin ganun kalaki ung nabawas sa timbang ko ... inaasahan ko din na magkakaroon na ako kasi nabawasan n nga ako ng timbang pero hindi padin so ngstop na ako sa shake by March 2019... Then eto na nga by May 12, 7th birthday na ng panganay ko ... Nag out of town kami ng family para magcelebrate ng birthday niya. Dun ko napansin na tulog lang ako ng tulog, na kahit sabihin ng asawa ko na wag matulog kasi para di sya antukin dahil sya ung nagdadrive , di ko padin naiwasan... pero di ko padin naisip na buntis ako kasi di pa nga din ako nagkakamens, akala ko pagod lang ako sa pagprepare... then after mga 2 weeks nun, dumating ung time madalas na akong nahihilo, kaya umabsent na ako sa office, then sabi ko kelangan ko na yata uminom ng gamot kasi nagsama na ung hilo, sakit ng ulo. Hindi kasi ako pala inom ng gamot kapag kaya ko pang tiisin kaya lang that time hilo at sakit ng ulo tapos matutulog ako paggising ganun padin. So nagpacheck up na ako para narin may maipasa akong medcert sa office namin... So the next day nagpacheck ako sa intenal medicine na doctor... tinanong niya kung nagkaroon na ba ako, sabi ko dok may pcos ako eh tsaka 1 yr na akong di nagkakamens. Sabi niya, kahit na, magpt ka para sure at di muna kita bibigyan ng meds kasi baka buntis ka... so ako naman sa isip isip ko , malabo talaga kasi di talaga ako nagkaroon eh, pero sinunod ko nalng din sya para sure at iba na nga din ung hilo na nararamdaman ko... at un nga nagpositive yung pt... :) nung nakita kong 2 lines nakakaiyak sa sobrang saya, lalo na nung nagpatransv na at nakita ko at narinig ang heartbeat niya... Thank you Lord ang nasabi ko... ibinigay niya ung matagal na naming hinihiling... And yes, premature baby siya, based on ultrasound... 34 weeks and 5 daya nung ipinanganak ko sya, hmmmm walang kasi kasi akong ibang basis kasi hindi ako ngkaroon.. so ang sinusunod lng namin nung ob is ung sa ultrasound. Malaki daw kasi si baby kaya napaaga ung labas dahil din sa Gestational diabetes... But thank God she's a healthy 3 month old baby now... :) Ps: kaya mga mamsh don't lose hope. Keep praying and lift everything to God... Ibibigay niya, sa tamang oras at timing... :)

1 Replies

VIP Member

To God be the Glory! So happy for u, sis. πŸ˜‡ I also have PCOS. Minsan halos 1 yr na hindi pa din ako nagkakaperiod. So, me and my hubby decided na to get married once we both reached 27 y.o. so that we can try to have a baby na (knowing the fact na mahirap magbuntis ang may PCOS). We got married last May 2019 and started trying to have a baby last September. I remember crying everytime negative ang PT. And then January 2020 came when finally positive na. God truly hears our prayers and he will really give it to us if he thinks we are ready. πŸ˜‡β™₯οΈπŸ™

Thank you, sis! kayo din. God bless β™₯οΈπŸ™

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles