βœ•

The story birth of my baby girl (Long story) ?

Hi mga mamsh! Gusto ko lang ishare experience ko since last month ko lang nadiscover ang app na to ? First photo (1month old) Second photo (1yr old) Keila Elisse M. Tolentino January 16, 2019 EDD January 10, 2019 DOB 3.5kg via CS Delivery January 9, 2019 (10pm) may something na lumalabas sa vagaygay ko, pero diko pinansin dahil may nilalagay ako na eveprimrose oil, (niresetahan ako ng ob ko ng ganon kase close cervix pa ako eh malapit na due date ko) I thought oil lang yung lumalabas sakin, I have no idea na panubigan na pala yun ? January 10, 2019 (6am) bumangon ako kase naramdaman ko basa yung dress ko and sumasakit balakang ko pero saglit lang yung pagsakit ng balakang ko mga 30mins ganon, pagtayo ko may lumabas ulit sakin this time para na akong umihi. Tinext ko na agad si secretary para magpalista and saktong check up ko naman talaga nun and sinabi ko din na ganon nga yung nangyari sakin, so sabi niya uunahin ako agad once na dumating ang OB. (10am) Pagdating namin sa clinic, In-IE ako ni dra. close cervix pa din ako sabi niya "wala ng water si baby mo kelangan na natin ilabas yan sabi mo 10pm pa may lumalabas sayo hanggang ngayon so 12hrs ng wala water si baby kapag naka 18hrs yan baka mainfect kayong dalawa" hindi na kami nagdalawang isip pa kase buhay namin dalawa yung nakasalalay (11am) nilagyan na ako ng swero (5pm) oras ng operation 4:30 kinuha na ako sa room para dalhin sa OR, habang nagbibihis ako ng hospital dress sa cr kasama husband ko naiiyak ako mix emotion (nervous, exited) lahat na yata ng dasal nadasal ko na hahaha. Nasa OR na ako, puro mga lalaki yung nurse nahihiya pa ako that time parang gusto ko umurong haha pero this time diko dapat pairalin ang kahihiya. dahil buhay ng anak ko ang usapan dito. Nung tinurukan ako ng pampatulog groogy na ako pero nilalabanan ko dahil ayoko talaga matulog, tapos yung turok sa likod sabi nila masakit dw pero diko na naramdaman yun dahil groogy na akoy, sabi nung nurse na nasa may ulunan ko "mam matulog ka muna" sabi ko sakanya "ayoko baka dina ko magising" tawa siya ng tawa. 4:45pm my baby girl is out! ? Nung marinig ko yung iyak niya naiyak din ako at napa'Thankyou Lord nalang ako. Nung mailabas na siya nakatulog na ako at nagising nalang ako dahil nilalamig na ako, nasa recovery room na ako nung magising ako. January 10,2020 (First Birthday) It's been a year baby girl at napakabait ni papa god dahil pinagbigyan muna niya makapagparty ang baby ko bago magerupt ang bulkan TAAL which is malapit lang sa lugar namin. ?‍♀ That's all. Thankyou sa matiyagang nagbasa! ??

2 Replies

VIP Member

Magkasunod sila ng birthday ng baby ko. January 9 sa baby ko pero di siya nakapag birthday dahil naospital siya. Anyway, she is healthy now. Ingat po kayo and God bless. 😊

VIP Member

Congrats mamsh 😍

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles