Naniniwala ba kayo na inaaswang ang buntis???

Hello mga mamsh. First time mom here, 10 weeks. Dati po kaming nakatira sa siyudad at ngayon lumipat na kami sa baryo hindi naman liblib dahil nasa sentro kami pero walang mga pasyalan dito lalo na sa gabi kaya maagang natutulog ang mga tao. Isang gabi , nanaginip ako na may isang matandang babae na gustong pumasok sa bahay namin kaya nagmamadali kong isinara ang mga pinto at bintana habang pilit namang ipinapasok ng matanda ang katawan niya at inaabot ako, tinutukan ko rin siya ng kutsilyo at nasugatan sa daliri pero hindi pa rin siya umaalis, mabuti nalang at nagising ako. Nanlalamig ako sa takot, katabi ko ang asawa ko nun at bigla siyang sumigaw, ginising ko siya at tinanong kung bakit, ang sabi niya nanaginip daw siya na may aswang na gustong pumasok sa bahay namin, kahit anong pilit niyang isara ang mga pinto at bintana ay nabubuksan pa rin. Nagulat ako at sinabing halos pareho kami ng panaginip, tumigil siya sa pagkwento dahil lalo akong natakot at sinabihan niya akong matulog nalang ulit, pero hindi na ako nakatulog pa. Sinabi ko ito sa mga kaibigan at pamilya ko at nag-alala sila, ang buong akala ko pa nga nung una ay pagtatawanan nila ako pero sa halip ay sinabi nila na totoo daw na inaaswang ang mga buntis, may iilang nagsabing hindi totoo pero mas marami ng naniniwala na totoong may aswang. Nagbigay sila ng mga advice na laging magdasal at ng mga dapat kong gamitin bilang pangontra daw sa aswang tulad ng bawang, asin, luya, incenso, sunog na goma, matulis na buho, itak etc., Nang araw na yun wala kaming sinunod sa mga pangontrang sinabi nila, bandang alas tres nang sumunod na araw nagising ako dahil sa sobrang init, brownout sa amin. Hindi rin ako makatulog sa init at pumasok na rin sa isip ko yung mga kwento nilang aswang nung time na yun at medyo natatakot na ako, mga 3:30 biglang may pusa sa labas ng bahay na malakas na ngumingiyaw. Maliban sa pag-iingay, wala naman akong narinig na pagkalampag o pagkutkot gaya ng kwento sa iba, hindi rin sumakit ang tiyan ko at maliban sa takot ay wala na akong naramdamang kakaiba. Nasa 30 minutes din bago tumigil nang tuluyan sa pag-iingay ang pusa. Bago mag 5am bumalik na rin ang kuryente, nawala na ang antok ko at hindi na naman ako nakatulog. Pagsapit ng hapon pinagsunog ko na ang asawa ko ng gulong(goma) para sundin ang isa sa mga pangontrang itinuro sa akin. Kung totoo man na may aswang atleast nakahanda kami at kung hindi naman, wala namang mawawala kaya ginawa na rin namin. Kayo mga mamsh may mga experiences din ba kayo sa ganito? Naniniwala ba kayo sa aswang o hindi ?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yup. Hajajaja at first ndi talaga ako naniniwala

5y ago

Pero noong may nagpaparamdam na sa akin "to feel is to believe" ako biglaaa ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚