Bawang at Asin
Hindi naman po sana ako naniniwala sa mga sabi sabi na inaaswang yung mga buntis po pero isheshare ko lang po na dalawang beses na pong nagpipilit yung pusa tuwing madaling araw pumasok sa bahay namin simula kahapon. Nun po sa nakapasok po siya at halos nasa tabi ko na sa sala nun nagulat po ako at nailawan ko ng phone ko. Pero pagbukas ko ng ilaw wala naman po ako nakita kaya akala ko nananaginip lang ako at pinatay ko un ilaw. After ilang mins po nakita ko ulit un anino sa may pinto ng kwarto ng mom ko. Bukas naman un pinto nya para kita din ako ng mom ko sa sala kasi dun ako natutulog sa sofa para malapit sa cr. Binuksan ko un ilaw agad tas umakyat agad siya sa hagdan. Tumingin pa po un pusa sakin sa railings ng hagdan kasi tanaw nun un sala bago sya lumabas ulit sa maliit na bintana sa may hagdan namin nun tinataboy na ng kapatid ko. Tapos naulit ulit siya kagabi. Nakasara na po un screen nun bintana nun naalimpungatan po ulit ako kasi may narinig kong may nagpipilit magbukas ng screen ng bintana. Buti po nagising agad un kapatid ko para isara un screen pero nakita ko po sa anino na pusa ulit un nagpipilit magbukas. Medyo napaparanoid na po ako, napupuyat at nagwoworry na po un mom ko. Matagal na po kami nakatira dito ngayon lang po may pusang gustong pumasok sa bahay namin. Itatanong ko lang po kung totoo bang mawawala un kapag naglagay kami ng bawang at asin sa mga bintana ng bahay namin? Salamat po sa sasagot.
momoftwo