2 Replies
VERY HELPFUL TIPS FOR BREASTFEEDING MOMS ESPECIALLY TO PUMPING MOMS: Sa unang apat na araw (first 4 days after delivery), kung kailan COLOSTRUM palang ang napo-produce ng suso, mag hand express ng breastmilk at itago sa ref. Ang colostrum ay hitik sa antibodies at nakakatulong ito para ma-proteksyonan ang isang sanggol sa sakit at para mabilis siyang gumaling kapag mayroong sakit. Mataas ang antibodies ng colostrum kaya sinasabing ito ang pinaka-importanteng makuha ni baby sa unang 4 na araw ng kanyang buhay. Ang stored breastmilk ay pwedeng tumagal ng 3 to 4 months kapag nasa freezer. Makakatulong ng malaki ang iniref na colostrum kapag nagkataong nagkasakit si baby. - Ang breastmilk ay pwedeng ilagay sa storage bag at pwede rin sa bote na may sealing disc para hindi ma-contaminate. - Pwedeng pagsamahin ang expressed milk na magkaibang oras basta pareho ang temperature kapag pinagsama. Sundin ang time ng unang inexpress na gatas sa label ng storage bag - Ang rule sa pagkuha ng stored milk ay FIFO (First In, First Out) ** Paano magtunaw ng breastmilk? • Maglagay ng tap water o tubig gripo sa isang container at ibabad ang breastmilk na nasa storage bag • Huwag imi-microwave ang gatas o ibababad sa mainit na tubig para hindi mamatay ang antibodies at dahil mabilis dumami ang good and bad bacteria sa mainit na environment • I-SWIRL (dahan dahan na paikot ikot na motion) lang ang breastmilk at huwag isha-shake para hindi "mabasag" ang components na mas effective kapag buo Gaano karami ang ibibigay kay baby? - During the first 6 months (kapag hindi pa nagsosolids si baby), mayroong 1-1.5 per hour rule. Sapat na ang amount na 'yun para maiwasan ang overfeeding. - Kapag nagsimula ng magsolids si baby up until 1year old, kahit hindi na masunod ang 1-1.5oz per hour rule. But it's worthy to note na until 1year old, breastmilk pa rin ang main source of nutrition ni baby kaya magkatulong ang breastmilk at paunti-unting solid food. - Kapag 1year old na si baby, solid food na ang main source kaya focus na sa pagbibigay ng healthy food. Suporta nalang ang breastmilk. * Please note na masustansiya pa rin ang breastmilk mamatay man ang antibodies nito * Please also note na "the longer milk stays in the freezer, the more it degrades" pero hindi naman ×10 ang degradation kundi paunti-unti dahil resilient o matibay ang breastmilk For Breastmilk Storage Guidelines: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=273292453294355&id=216185339005067
Nkita ko lang po, #SharingisCaring