Baby 1 month and 6 days / FTM

Hi mga mamsh ask ko lang.. yung baby ba natin nakakakita or nakakaramdam ng ibang elemento I mean ung hindi natin kauri katulad ganun. Si baby ko kasi as in ngayon lang saktong 3:05 AM bigla syang nagising at umiyak ng malakas at pagkarga ko sknya tuloy tuloy iyak nya nakatingin sya sa likod ko na parang takot na takot sya malapit kasi kami sa bintana natutulog tas nung umalis na kami sa kwarto namin na un tumigil na sya sa pagiyak. Iba ung iyak nya mga mamsh mararamdaman nyo naman cguro un sa baby nyo ung iyak ng baby ko takot na takot at nakatingin lang sa likod ko. Pinapatahan ko sya sbi ko sino nagaway sknya sumbong natin kay papa. Tas nagmura ako sabi ko put***** wag yung anak ko hayup ka. Tas lumabas na kami sa kwarto. Bali kaming dlwa lang kasi dto sa bahay mamsh yung asawa ko 5am ang uwi night shift kasi sya lilipat na rin kami ng bahay next month. Possible po kaya yung ganun wala pa po kasi pangontra ung baby ko ung pula na bracelet hnd ako nakaready since biglaan tong paglabas ng anak ko na emergency cs po kasi ako. Alam kong 2020 na pero since laki ako sa probinsya naniniwala pa rin ako. Sa tingin nyo po mga mamsh. Salamat po sa mga sasagot respect lang din po.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

minsan may ibang dahilan mommy. di lang dahil sa elemento. pero i feel you kasi minsan pag frustrated ka na at di mo alam kung bakit nag iiiyak baby mo kahit gnawa mo na lahat, pagdidiskitahan mo ung nsa paligid. ganyan lang din gngawa ko minsan nagmumura ako sa paligid. kasi neto lang panay iyak din ng baby ko pag madaking araw. 5 months naman na sya kaso di kasi ako nasanay. since newborn kasi sya, tuloy tuloy ang tulog nya simula 6pm tas 6am na gising nya. minsan pag naiinis na ko nagmumura ako sa kawalan o kaya naman pinapakiusapan ko ung mama ko na kamamatay lang na tulungan makatulog baby ko kasi baka nilalaro nya lang. pinupuluputan ko rin sya ng rosaryo sa kamay. pero sabi ng iba patungan sya ng pulang tela. kahit ano basta pulang tela. pero kasi kadalasan sumpong lang talaga ng baby yan e. lalo na ngayon sabi mo nga parang may tinitignan sya kaso wala pa naman pong vision ang 1month.

Magbasa pa