About philhealth

Hello mga mamsh, ask ko lang. Ok lng ba philhealth ng partner ko ang gagamitin kng manganganak nako? Hnd pa kami kasal. Private hospital po ako manganganak. Kasi nag stop ako sa work at yung partner ko lang my work. Mayron nmn akng philhealth kaso wala ng hulog2. At naka register ako sa indigent philhealth last 2016.

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi po ito allowed, lalo na at hindi kayo kasal. Same case po tayo, at nung nagtanong na ako sa pag-aanakan kong ospital, hindi pwede at yung akin dapat ang gagamitin. Maganda din po na magtanong kayo sa kung saan man kayo manganganak, para malaman niyo na rin kung ano ang requirements nila para magamit ang PhilHealth benefits. In my case, 9 months before due date ay dapat daw may hulog. Mas maigi pong asikasuhin niyo na po yung sa inyo. Saktong bago lang mag MECQ ako nag-ayos, mabilis lang kasi priority ang buntis. Pinag-update din ako ng ID and Membershio information. Mga 20-30 minutes lang ako nagprocess ng lahat.

Magbasa pa
4y ago

Mommy ask ko lang, pinapayagan nba pumasok mga buntis sa philhealth ngayon? Last kc na ngtanong ako, hindi daw kc bawal. Lalo pag nasa loob ng puregold yung msmong philhealth.