Cs or Normal??

Mga mamsh ask ko lang kung masakit ba talaga yung Cs?? Bunso ako sa sampung magkakapatid and ako nalang walang baby sa kanilang lahat, 7 yrs na kami mag kasama ni hubby ngayon lang kami biniyayaan ng baby. Si hubby kase at mama ko pati na mga kapatid ko gusto nila na ma Cs ako. Baka daw hindi ko kayanin yung sakit ng labour pain πŸ˜” si hubby naman para daw safe kami both ni baby, si mama naman ayaw nya daw ako makita umiyak at mahirapan, ganon din naman sinasabi ng mga kapatid ko. Pero kung ako tatanungin mas gusto ko sana na mag normal nalang para medyo maka tipid din sa gastos at makagalaw galaw ka agad. Andami kase nila laban saken πŸ˜” normal naman lahat ng lab test ko walang kahit anong complication. Naka position naman din si baby at sakto lang sa timbang. Full term nako nextweek at gusto nila pa sched nako for cs. Pa advice naman mga mamsh πŸ˜” #1stimemom #advicepls #

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

i'm a cs mom. almost a month bago ko masabi na kaya ko na talagang maglakad lakad tsaka makatayo tayo ng walang hinahawakan na kahit ano. though minsan kumikirot kirot pa rin tahi ko pero tolerable naman. mahirap macs mommy i'm telling you. unlike kapag normal delivery, isang araw lang makakauwi ka na. nung na cs ako, 3 days akong nasa hospital tapos sobrang hirap na hirap akong maglakad kasi sobrang sakit. parang ang bigat bigat ng puson ko tsaka feeling ko everytime na maglalakad ako parang lalabas mga bituka ko πŸ˜… pero dahil may mga ininom akong gamot non, for 2 weeks kinaya ko ng maglakad pero nag iingat pa rin ako kasi medyo masakit sakit pa talaga. to be honest, gusto ko rin talagang ma cs kasi sabi nila sobrang sakit daw mag labor. pero nung na cs na ko, sabi ko mas mahirap pala to kasi matagal yung healing process. kapag malamig, sasakit yung tahi mo and hindi ka talaga pwede sa mga mabibigat na gawain. kaya ikaw mamsh, kung alam mo sa sarili mo na kaya mong mag normal delivery, ipush mo yan. kasi ikaw naman mahihirapan di sila. ilang hrs. ka lang naman maglelabor eh, ilang hrs. mo lang titiiisin yung sakit. icompare mo naman yon sa ilang taon bago gumaling yung tahi ng cs. tuyo man siya sa labas pero sa loob hindi pa. anyway, goodluck mamsh. have a safe delivery ☺️

Magbasa pa