Cs or Normal??

Mga mamsh ask ko lang kung masakit ba talaga yung Cs?? Bunso ako sa sampung magkakapatid and ako nalang walang baby sa kanilang lahat, 7 yrs na kami mag kasama ni hubby ngayon lang kami biniyayaan ng baby. Si hubby kase at mama ko pati na mga kapatid ko gusto nila na ma Cs ako. Baka daw hindi ko kayanin yung sakit ng labour pain 😔 si hubby naman para daw safe kami both ni baby, si mama naman ayaw nya daw ako makita umiyak at mahirapan, ganon din naman sinasabi ng mga kapatid ko. Pero kung ako tatanungin mas gusto ko sana na mag normal nalang para medyo maka tipid din sa gastos at makagalaw galaw ka agad. Andami kase nila laban saken 😔 normal naman lahat ng lab test ko walang kahit anong complication. Naka position naman din si baby at sakto lang sa timbang. Full term nako nextweek at gusto nila pa sched nako for cs. Pa advice naman mga mamsh 😔 #1stimemom #advicepls #

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

U have to check that with your oby what is best for u. That will depend sa pelvic mo, CMs, age, and risks. Have a safe delivery!

Normal prefer ko momsh, takot na takot ako maCS kase madami nagsasabi na sobrang hirap ang post care nang tahi.

VIP Member

if kayau nman manganak ng normal go.but if my mga karamdaman ka w/c is advisable seu CS po

Mapa CS man yan o normal, one thing is for sure: Masasaktan at mahihirapan ka pa.

VIP Member

Discuss niyo po sa OB niyo ano ang best way na ideliver niyo si baby. 😊

TapFluencer

Nasa inyo ni OB kung CS ba o Normal? Hindi yung cla ang mgdedesisyon.

Let the OB help you decide :) She/he knows the best path for you.

mas masakit ang cs kc matagal ang recovery kesa normal delivery.

Mas mahirap ma cs mommy...

VIP Member

God bless po