Di na nasundan after makunan. Failed ba ako bilang asawa.

Mga mamsh ask ko lang kung ako lang ba. 13 years na kami ngayon in relationship ni hubby. Kinasal kami last year. Year 2017 po kasi nakunan ako, di ko pa alam na buntis ako plus irregular ako. I am working due to extreme stress, sobrang pagod at daily mahabang byahe after what happen naggamutan ako gang magregular na yung period ko like monthly na talaga sya. Now even before kami ikasal tinatry na talaga namin makabuo ulit. But sadly wala talaga, minsan madedelay pa din ng 1-2 week pero magkakaroon naman. One time nabalitaan ko yung kasunod namin kinasal ay buntis na. Feeling ko sobrang sakit bakit ako wala. Umiyak ako ng umiyak. Valid ba tong nararamdaman ko, feeling ko failure ako sa pagiging asawa. 😢🥹

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy, baka ikaw lang po ang nakkaramdam nyan pero ang hubby mo ay hindi naman. Communication is the key, Wag mong dalhin lahat.. Unti-unti kasi hindi natin alam plano ni Lord but always Pray, lagi syang handang makinig sa lahat ng ating panalangin. ❤️ Paalaga ka din at ang hubby mo sa doctor para mas malaman nyo po kung paano maachieve ang desire ninyong magkaroon na ng supling ❤️❤️

Magbasa pa

Hi mam! Pwede ka po magpaalaaga sa OB. o kaya po, after nyo po magmake love itaas nyo po ang dalawa nyong binti na may nakaipit na unan sa may medyo taas ng pwet mo po. Make sure rin po na fertile rin po kayo pag gagawin nyo po yan❤️ download din po kayo nung period tracker para natatrack nyo po ang fertile days and ovulation. Sana po makahelp. Pray lang po!❤️

Magbasa pa

i feel you, nakakapressure ung ganun, masakit pero kailangan natin lumaban. try lang nang try. tiwala lang tayo sa Panginoon. Ibigay natin ang lahat iniisip natin at sakit na nararamdaman natin dahil pag ipinagkatiwala natin ito sa Kanya. Siya ang kikilos at magbibigay sa atin in right time.

pwede kang magpacheck sa OB at magpaalaga also have faith din kasi nasa God's will at timing din po yan.. at avoid too much pressure/stress sa katawan mo. tumataas ang cortisol pag stress at nappressure nagiging cause yun bakit bumababa ang % ng fertility o makabuo.

hi... mamsh,i feel u. ganyan din ako un story ko,pero obviously 11yrs naman kami b4 aq ma preggy.lahat ginawa ko para ma preggy lang ako. kung alam mo lang,kaya ginawa ko pinaubaya ko nalang kay god kz sumuko na ko.then nun sumuko ako,saka lang ako nabyyan ni god.

try nyo po pataas ng matres wla nman po mawawala..