Bleeding after manganak

Mga mamsh ask ko lang, after nyo manganak ininom nyo ba ang nireseta sa inyo sa pagdurugo? Yung akin kasi nireseta Tranext 3x a day. Isang araw ko lang ininom kasi nung ininom ko sobrang sakit ng puson ko halos hirap ako makalakad. Hindi naman malakas pag durugo ko. Parang spotting lang.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

kelangan nyu pong inumin Yung reseta ng Dr. para maiwasan po Yung iBang instance, na makakaapekto para sa mabilis na pagrecover, normal po Ang pagdurugo after giving birth, dapat nga po mailabas Yung tinatawag nilang (Patay na dugo). pag may naiwan sa loob baka magkainfection pa.

Naalala ko sakin meron ininject di ko matandaan kung before o after ako manganak para daw yun hindi ako sobrang duguin.. pero mami need mo inumin mga nireseta sau then sa bleeding tumatagal minsan hanggang 2months.. need mailabas ng katawan natin un

mommy wlang nireseta saken for bleeding. ang naaalala ko is antibiotic lang amoxicillin yata un pero hnd ko ininom kasi ok naman ako. 1week lang ako dinugo nun. Better checkup ka sa OB mo po

Wala pong nireseta sakin ang ob.. Kusang lalabas ung iba 1 month ung iba 2 months.. Akon lumampas ng 2 months.. Kala q di na hihinto. Pero huminto na rin sakin. 🙏

Normal po ang bleeding after manganak normal or cs delivery po. ang ibibigay lang po is antibiotic or pain reliever. Tumatagal din po ng 1 to 2 months.

TapFluencer

samedt po sa ibang comments walang reseta para sa bleeding. automatic un na maglalabas at tumatagal ng 1 to 2 months. antibiotic lang ung reseta saken

wala po nireseta saken para sa pagdurugo. di ba dapat hayaan na lang natin lumabas yun? almost 1 and half month bago natapos yung saken

TapFluencer

wala pong binigay sakin mamsh, antibiotic lang. 3 weeks na simula nung nanganak ako brown discharge na lang naman ang nalabas sakin.

Sakin walang nireseta. Yun lang antibiotic and ferrous and ipinatuloy. More than 1 month din ata bago nag stop yung bleeding.

wala pong resita sakin para sa pagdurugo mi, antibiotic lang (clindamycin) mga 1month bago nawala ang spotting2