everyweek biyahe for 4months
Mga mamsh, ano pong say niyo? Ok lang ba na everyweek ibiyahe si baby (jeep, mga 15mins. ang biyahe). Everyweek po kasi bumibisita kami sa nanay ko. Nakikita kasi namin na sumusigla ang lola niya pag nabibisita ng apo. Nagiging malungkutin kasi mother ko nitong mga huling linggo kaya madalas sumasama pakiramdam niya (senior na siya). Matagal na ring biyuda si nanay, 20years na. Kaya yung makita lang niya yung apo niya ang kaligayahan niya. Ok lang po ba yon or hindi?