11 Replies
Totoo po, sa panahon ngayon hirap makahanap ng matinong nagaalaga. Mas okay talaga na ikaw magulang yung magalaga at magguide sa baby mo. But kung magstay ka sa bahay, Who will provide po kung magstop ka magwork? Working naman ba kayo both ni Mister? If magstop ka, his earnings ba will be enough to support your family needs? Pwede pong pgusapan niyo muna ni Mister.
Mas maganda sana ikw nlng mag bantay, mag business ka nlng sa bahay for another income.. Ganon po kc ginawa ko, mas mahalaga ang time mo para sa baby mo at the same time kung nag business ka sa bahay nyo mabibigay mo din pangangailangan nya khit papano.. Tulungan kayo ng daddy nya, pag usapan nyo mabuti mahirap ipaalaga sa iba khit kamag anak mo pa yan,
Kung kaya naman mommy na walang work for the mean time mag resign na lang muna mommy. Pwede ka naman kumuha ng work from home para makapagwork ka at the same time maalagaan si baby. Mahirap kasi iagkatiwala si baby sa di mo kilala
It's really upto you momsh. kung babalik ka sa work, mapagkakatiwala mo ba si baby sa hindi mo kakilala kung mag hahanap ka ng yaya? or kung hindi ka naman babalik kakayanin ba ni hubby ishoulder lahat ng gastusin.
kung okay naman ung work ng hubby mo mas okay kung ikaw muna magaalaga sis kesa ipaalaga sa hindi mo kakilala, sacrifice talaga then kapag medyo malaki na sya or may magaalaga man tsaka ka nalang bumalik ng work.
Sis depende yan sa situation Kung meron taga suporta sa inyo at may budget mas better na ikaw mag alaga Pero qng kulang sa budget need mo tlga magwork. Mahirap din pag walang income Kawawa si Baby
May mga mother po na no choice po talaga kundi bumalik sa work dahil sa financial problems. Depende po yun sa inyo.
same situation antayin ko na lang mag 2 si baby bago bumalik ng work wla kasi magaalaga sa ngayon...
kung may magsusuporta po sa inyo ni Baby mas mabuting ikaw na lang po mag-alaga.
kung sino mas malakas kumita,siya ang magwork and yung isa ang magstay sa bahay