Ako lang ba??

Mga mamsh ako lang ba yung mag mula ng nabuntis nawalan na ng gana mag ayos ng sarili? Yung tipong dati panay suklay, panay pulbos,liptint,kilay, nasuot pa ng fitted dress,sexy shorts,croptop at highwaist pants. Ngayon ni hindi mona magawa? Dahil sa sobrang pag taba? Yung dating 40kls na ngayon ay 70kls na? Yung dating maputi ngayon ang itim puno ng stretchmark,tigyawat,nangitim ang batok, nangitim ang singit at kilikili? Yung dating panay puri naririnig mo sa mga kamag anak at kapatid mo. Ngayon napalitan ng pambubully? Like "sobrang taba mona" ang panget mona ngayon" ang itim mo na" Hindi ako nag sisi na nabuntis ako. Sa totoo lang sobrang saya ko ng mabuntis ako. Tanggap ko din naman kung ano yung naging outcome ng pagbubuntis ko. Ang hindi ko lang matanggap yung lagi kong naririnig sa mga kamag anak ko. Oo madali sabihin na i ignore nalang sila, pero minsan kahit i ignore mo masakit padin sa kalooblooban. Nakakamiss lang yung dating tayo. Pero masaya ako kahit ganto kinalabasan ko. Iniisip ko nalang na lahat ng to pra sa anak ko. 8months preggy palang ako at aasa pa din na paglabas nya baka sakaling pumayat pa ako πŸ˜… basta ngayon kibit balikat na muna ako sa mga taong panay ang bully saken. #1stimemom #pregnancy #NoToBodyShaming

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

deadmahin mo sila momsh. big hug sayo mahirap maging mommy i know but don't forget ang me time kung kaya mo isingit.😊