Anti tetanus. FTM🥺❤️

Hello mga mami! Just want to your opinion po. Inadvice-san na po kasi ko ng OB ko na by next check up ko is tturukan na'ko ng anti tetanus, and nagtanong ako 300PHP daw po, nagddalawang isip po ako pwede po kaya na sa center nalang ako mg paturok since mga libre lang po kapag ganon🥺 sayang din po kasi. Ano po ba dapat kong gawin ipaalam ko na po sa Ob na hindi ako dun papaturok or mgpalusot nalang po ako. Nahhya po kasi ako🙁

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pwede naman pong sa center kayo magpaturok magsabe nlng po kayo sa ob nyo na keysa magbayad sa center nlng para libre maiintindihan nmn po yun ng ob nyo basta ang mahalaga makapagpaturok kayo ng tetanus,ung aken po lahat ng ginawa sa center pati turok² kaya yung ob ko more on kumustahan nalang kame kase wala naman ng ipapatest nagawa kona lahat,monitor nlng ung heartbeat ni baby,wag po kayong mahihiya sa mga ganyan,kung alam nyo kung san kayo mas makakatipid don po kayo,nagooffer lg nmn po ang ob choice nyo padin ang masusunod

Magbasa pa
2y ago

Siguro nga po atsaka alam niya rin po kasi na 1st time ako kaya po siguro sinabe niya😊 ty po mommy!💗

kamusta naman mi? nakapagpaturok k b? usually yan ireregister ka nila sa center ako kasi wala din anti tetanus shot tapos galing ako sa private ob kaso balak ko kasi nun sa public ospital manganak kaso need ng referral ng center kaya nagpunta ako sa center ayun katakot takot na sermon na kesyo nag private check up daw etc etc bago ako binigyan ng referral 😅

Magbasa pa
2y ago

un po ung requirements sa min dapat alamin mo na ung nga requirements nila tsaka dapat makapag pacheck up ka sa ospital sa tamang buwan kasi minsan pag sobra na d na nila tinatanggap for example dapat 7-8 mos macheck ka na

sakin dami ko injection naka 4 po ata ako ung dalawa tag 1200 flu vaccine m, tapos dalawang beses na anti-hepa tapos ung isa dko alam tapos last pinakamahal anti-tetanus 1400 hati kami ng asawa ko tag dalawa kami hehe 😅 kasi kapag sa center hnd ako makakaabsent ang layo din po uuwi pa ako ng rizal kaya sa OB ko nalang po ako nagpapainjection

Magbasa pa
2y ago

ah oo complete ako ng injection kaya din siguro hnd ako sakitin ngaun unlike una kung pagbubuntis sa san mateo,rizal

VIP Member

Hello Mi, pwde po sa center na lang. ☺️ yung saakin mismong ob ko nagsabi na kung gusto ko libre pwede nmn sa center. ☺️ pero si hubby alam niya mahaba pila saamin at matagal at hindi rin kami makaabsent ng weekdays kasi may pasok kaya nagbayad n lang kami ng 450 anti tenanus and diphtheria. ☺️

2y ago

Oo nga po eh yun din kalaban sa center mahaba pila kasi sabay sabay mommy☺️ pero siguro worth it naman kapag nakatapos hihi. Ty po mi!❤️ ano po pala yung diphtheria miii?

ok lang yan dun nalang sa libre ganun din naman ituturok sayo maiintindihan ka ng OB mo lalo na buntis ka maging praktikal nalang ba sayang pambayad pwede mo pa gamitin nxt check up mo wag po mahiya yung mga ganyang case naiintindihan naman yan ng mga OB ❤️❤️❤️

2y ago

ayun nga din po iniisip ko mii, siguro sa brand nalang mgkakaiba pero pre prehas naman po siguro kaya okay lang, sobra mrami pa po pwede pag gamitan lalo na palabas si bb hindi porket my pera gastos gastos hihi😊❤️ ty po miiii💗

ako mii sa center lang ako nagpabakuna pero hindi ako naka avail ng libre dahil naubusan ako ... kaya bumili nalang ako pero 120 pesos lang dito sa amin yung TT . kung wala ka budget mii much better don ka nalang sa libre atleast makakasave ka kahit kunti ...

2y ago

Okay po miiiu. Ty po sa advice!❤️

sa case ko, si OB mismo ang nag advice sakin na mag ask sa center if available kasi sayang naman daw libre lang dun. yung OB ko kasi, lagi sya nag aadvice/offer kung saan makakatipid. i-open up mo nalang din siguro sa OB mo and I think maiintindihan naman nya.

2y ago

Yes mommy sa ssnod na balik ko next month. ssabhin ko po ty po!💗

Just say straight up to your OB po na "Doc may malapit po na center sa amin, doon nalang po kami magpapaturok for baby". They will surely understand. Kung hindi nila maintindihan, there's something wrong with them 😅

2y ago

Tama po mamiiii, Ty po sa advice💗

tinurukan ako niyan sa center pinabibili pa sakin sa pharmacy 140pesos not bad naman okay lang sakin kaya lang pabalik balik ka lang sa center 😅 kasi kailangan bago pa bago iturok, pero nga sa Lying in na ako nagpapacheck up OB

2y ago

Mura narin po mommy yung 140php hihi☺️ pero ingat parin po pagbalik balik para safe kayo ni baby!💗

Sa center ako nagpabakuna pero may monthly check up din ako sa Ob. sabihin mo lang DOC, SA CENTER LANG AKO MGPAPABAKUNA NG ANTITETANUS or pwedi after mo nlang bakuna sabihin. It's your freedom nman, wag ka mahiya.

2y ago

Kaya mo yan.. OB supports Rural health center nman, maliban nlang kung business talaga iniisip niya.