Rahes sa leeg

Mga mami pa help naman . Ftm po ako . Medjo mataba po kase mukha ni baby kaya yung leeg nya laging natatakpan tas bihira lang mahanginan . Dahilan din na laging nag papawis . Ano po kaya pwede gawin sa rashes nya 😢

Rahes sa leeg
46 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same ni baby ko. minsan nililiyad ko ulo nya para mahanginan leeg at para mawala pag kapula. pero hindi naman pwede lagi kasi parang bigat namn ng ulo nya, kawawa naman. nilagayan ko ng calmoseptine para mawala kahit papano pero minsan bumabalik din tlga.

Post reply image
2y ago

miee wag mo lagyan Ng pulbo SA baby ko muntik na dumami non , nagkakaroon sya simula nilagyan ko ng pulbo leeg nya naisip ko KC Ang init ngaun nag decide Ako lgyan sya pulbo Kaso ayon nag longganisa leeg nya pero d pa ganon kalala gingawa ko lang hunuhugsn ko maigi d ko din sinasabunan kahit ano wla ako nilalagy tubing lng , Wala pang 1 week ayon ok na sya

aysus maryosep, mi if mag mimilk si baby iwasan na may tumulo sa leeg niya, then soft na towel luke warm water ipunas sa bandang leeg niya tas lagyan mo calmoseptine. ganyan po anak ko nung 2months niya kawawa ang bata sa ganyan

mhi pahanginan nyo po ung leeg nya at paarawan sa umaga,hugasan nyo din po ng cotton balls na maligamgam na tubig para malinis saka punas nyo ng malambot na tela wag nyo po lagyan ng polbo mhi para di lalong mairitate

Lagi mo siyang punasan mi pero dampi dampi lang den lagyan mo ng drapolin. Effective kay baby ko yun mi. Minsan din kasi ung gatas napupunta diyan sa leeg ni baby maliban sa pawis niya.

pa check nio na rin po para sure. si baby ko sa face nmn pinapalitan ung sabon niya ginawang cetaphil skin cleanser... tapos may niresetang ointment Desonide. ok n po siya

VIP Member

same case sa baby ko ganyan din dati kasi mataba din xa pero ngayon nawala na mula ng ginamitan ko ng cetaphil kahit pricey atleast nawala mga rashes nya.

drapolin mhie super effective yun kaso mejo pricey lang. kahit wlang rashes si baby pwedi mo padin ilagay pang I was rashes, Yan din gamit Ng baby ko.

nagkaganyan baby ko dahil sa gatas yan or pawis. iwasan mo nalang malagyan ng gatas ang leeg or ilagay mo si lo sa lugar na hindi sya magpapawis

tignan nyo Po baka natutuluan Ng gatas, parang same din Kasi sa baby ko pag natutuluan Ng gatas nililinis ko lang Ng bulak Ng may tubing.

Try niyo po calmoseptine every after ligo. And make sure po na punasan lagi yung leeg, hindi po maghheal yan kapag laging may pawis.