INSECURE OR INGGIT?

Hello mga mami. I don't want to talk about bad things sa MIL ko. Pero lately napapansin ko na hindi sya nagiging masaya kapag nakakausad kami ni Josawa. I feel her insecurities towards us. Especially kapag nakakabili kami ng mga bagay bagay na need naman dito sa bahay. Ugali ko kasi kapag may extra money palagi ko un nilalaan sa mga bagay na mapapakinabangan namin. like appliances. Anything else basta para sa bahay. Nakabukod po kami and tama naman dba ung ginagawa ko? Kaysa manghiram kami. At di naman din namin hinihingi sa kanila ung pinangbibili namin. Napansin ko lang last time after namin makabili ng para sa bahay, Pupunta sya dito samin magtatanong tanong about sa price, Ichecheck ung gamit na pinamili namin then huhusgahan na kesyo dapat ganito, Dapat ganyan etc then kinabukasan di na kami kikibuin. Di naman kami sa kanya humihingi ng ipangbibili namin. Binabalewala na lang namin. Siguro kaya din sya ganun kasi may mga bagay din syang gusto bilin pero di nya mabili dahil sa laki ng expenses din nila sa bahay. #Sharekolang. #Respect.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Wag mo na lang po pansinin. Mejo ganyan din mama ko nakabukod din kami pero magkalapit lang bahay nya sa apartment namin. Ginagawa ko na lang kapag maraming sobra binibilihan ko sya ng bagay na alam kong kailangan nya. Masaya magpundar ng gamit pero may halong takot kasi alam mong may masasabi sya at magdadamdam kaya wag mo na lang masyado isipin. Hindi naman hihinto ang buhay at pangangailangan natin dahil lang sa tampo nila.

Magbasa pa