Preggy na iyakin.

Hi mga kamommies, di ko lang mapigilan tlagang umiyak or inarte lang to. Seaman asawa ko, di niya pinapakita sakin ung payslip nya. Ngayon kinulit ko siya na isend sakin para alam ko. Nalaman ko na nagsesend din siya sa mama niya ng di ko alam. Bukod na ipon daw niya, para samin. Wala naman problema sakin un, ang akin lang di b ko katiwala tiwala. Lagi niyang sinasabi sakin na $520 lang sahod niya tapos ung 100 daw sa kanya panggastos din, bali 420 sakin. Meron pa pala siya another 40 sa kanya. Bali 560 pala lahat sinasahod niya per cut off. Di ko na alam mararamdaman ko...Mabigat lang tlg loob ko ngayon, naiyak ko na ng sobra.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Palipasin mo muna yung emosyon mo sis. Kapag kalmado ka na, pagusapan niyo. Alamin mo kung bakit niya tinago sayo at kung para sainyo yun, bakit kailangan idaan pa sa Mama niya. Bilang asawa, nakabukod na kayo. So kayong dalawa lang dapat ang naguusap tungkol sa pera ninyo. Kung gusto niya magbigay sakanila, kailangan mo ring i-accept yun basta ang importante ay hindi siya naglilihim sayo at nagkukulang sa binibigay niya sayo.

Magbasa pa