Fasting Blood Sugar

Hi mga ka momshies! I am 16 weeks preggy na and diagnosed with GDM. Ginagawa ko naman na lahat. As in inoobserve ko mga kinakain ko, no rice, no carbs like pasta or bread, no fried foods. Lahat ng bawal iwas ako. Yung 1hr after meal okay naman, di naman umaabot ng 140 pataas, pero ung FBS ko laging 100-115 which is normal daw hanggang 95 lang. Onti lang naman dinner ko. Within the day madami ako magtubig since need din kasi nagka UTI at para di na magka UTI ulit since prone mga buntis sa UTI. I cannot do exercise naman since pinagbebedrest lang ako ni OB kasi short cervix ko kaya limited pati paglakakad ko. Anyone who experiences the same? Ano po dapat pang gawin? Ginagawa ko na lahat kaso bat ganun. As much as possible gusto ko makaiwas mag insulin lalo na tight budget. 🥺 Ginagawa ko din lahat para makaiwas sa stress kaso lagi namang ganun FBS ko. Nalulungkot lang ako kasi sabi ni OB may chance daw mawala si baby pag ganun kataas ang sugar ko. 4x a day for more than 2weeks na ako nagmoninitor ng sugar ko. Natatakot din ako sa sinabi ni OB ko na mag aabnormal daw si baby. Pls help me. 🥺

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi Mhie, same po tayo ng complications. Mataas po sugar ko 19 weeks ako ngaun pero mababa na ngaun since nag start ako ng insulin. Medyo magastos po tlga since need din imonitor ang sugar 4x a day. So kelangan ng strips which is mahal rin per bottle. Pero thankful naman at bumaba na po sugar since may epekto po tlaga kay Babay pag mataas sugar sa oxygen supply as per my OB. Ngaun po brown rice na lang tlga and gulay, isda tas fruits. Daming bawal pero kelangan tiisin para kay Baby girl ko 😇😊

Magbasa pa
3mo ago

okey thank you mhie sabi ni Doc ok lang daw anybrand for monitoring .. hehe .. kaso nasa isip ko baka sobrang layo ng mga Results

Ako mi diagnosed din ng GDM, im 23 weeks now and so far nacontrol na pero still monitoring. Nag fbs ako lagi a day before my checkup with ob. Less na ko sa rice then pag nagutom sa madaling araw, oatmeal with bearbrand food ko. Then cut na sa sugar talaga and carbs as much as possible. Everyday is din kami nagwawalking at least 30 mins.- 1hr kung ano lang kaya ng power ko.

Magbasa pa

Sis try mo mag snacks sa gabi or madaling araw kahit skyflakes or yung glucobest pwede din mga mixed nuts. Same ako sayo ang ginawa ko nag snacks ako sa gabi para hindi nag poproduce ng sugar ang katawan ko. Mababawasan fasting sugar mo kasi di masyado magfafasting ang katawan mo. Wag ka masyado pa stress, balanced diet lang need pa rin ni baby ng nutrition.

Magbasa pa

ako sis iam 23 weeks pregnant ok naman FbS ko pero after meal ko Breakfast At lunch minsan over 140 .. kahit anong diet ko gutom pa tlga ako nag iinsulin din ako .. tingin ko need mo na tlgang mag insulin .. kasi kahit paano may gamot at proteksyon ka sa baby ..

much better po to consult an endocrinologist po kagaya ko nag iinsulin 2x a day 5 months pregnant, toxic ang sobrang sugar Kay baby maari siyang mawala kaya mag insulin kana sis

Ano po symptoms nyo bat nalaman na may GDM?