birth

Mga ka momshie kung kau po tatanongin san maganda manganak sa private o sa public??

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Both ko na po naexperience with my 2 boys. Sa private mas ok ung facilities ung room kahit ward mas malinis. May beddings na, may provided na fan kung hindi aircon. Pwede magrequest ng hot water sa nurse station. May hospital gown. Down side baguhan ang nurses ung iba hindi man licensed. Naka 10 na insert before ako nahanapan ng ugat for dextrose. Sa public mahirap maghanap ng room swerte nako sa nakuha ko semi private 2 lang kami. Kami pa nagdala ng unan, bed sheet at kumot wala din kahit fan lang. Wala din nursery kaya paglabas ng baby kasama mo na. Kanya kanyang abot ng thermos kapag papaliguan na si baby. Pero ang mga nurses and midwives hasang hasa na. Lubog na veins ko pero isang try lang nakuha agad ung ugat. Naeexplain din ng maayos ng nurses ang mga tanong. OB ko naman nag advise na mag public nalang since normal naman ako. Nung pagkaadmit ko gusto ko na umatras kasi hanggang sa corridor may mga hospital beds dahil wala ng rooms. Reklamo pa ung hubby ko hindi daw siya makatulog. Sabi ko "Hotel? Trivago!". 😂

Magbasa pa
6y ago

Semi private po ung room. Yun ung tawag nila. Hindi kasi siya private since may kasama. Hindi din naman siya ward since 2 lang kami.