Bakit masakit ang buto sa pwet ng buntis?
Mga ka-mommy, bakit masakit ang buto sa pwet kapag naka-upo? Nakakaranas kasi ako ng sakit sa pwet parang lahat ng bigat ko ay nasa pwet kapag naka-upo. Lalo na kapag matagal ako nakaupo, kaya lagi akong naka-upo sa unan. Buntis po ako at 31 weeks na, at ang timbang ko po ay 68 kilo. Salamat sa mga sasagot!