7 months or 3rd trimester

MGA KA MOMMY ! SINO NA 7 MONTHS PREGNANT DITO OR NASA 3RD TRIMESTER NA NILA ? PASHARE NAMAN NG MGA EXPERIENCES NIU AT MGA NARARAMDAMAN NIYO NGAYON!! THANKS !!

28 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

28weeks2days *Lumakas ako kumain 😂 *nararamdaman q na ung ngalay pag nakaupo ng matagal * kabag padin ang kalaban *minsan left leg q masakit parang nangangalay na ewan *leg cramps... pulikat ang sakit... twice q na naranasan sa left leg ko 😢 *2am-10am na ang tulog q lagi 😂 *yung mga kasya sakin last month na mga damit, pajama at short hnd na magkasya ngayon 😂 *mejo hirap na ako tumayo pag nkahiga *feeling q parang puputok na tyan ko 😂

Magbasa pa

32 weeks / 8 months today 1. ngimay na kamay at paa 2. konting manas 3. braxton hicks o ung contractions 4. hirap na maglakad dahil parang ambigat bigat n ng tyan ko. kaya gumagamit ako ngaun ng pregnancy belt. 5. antukin padin 6. hirap makatulog lalo na pag madaling araw dahil mas active si baby. 😅😅 no choice netflix nalang 😂 7. mas lalong sumakit ung kaliwang singit kaya mas mahirap na maglakad. 8. kinakakabahan na kasi ilang weeks nalang bago schedule ng cs.

Magbasa pa
5y ago

*advice 😁😉

Nung 7mos preggy ako mamsh, sumasakit puson ko. Mahilig kasi ako maglakad from mall to bahay mga 15mins lang naman. Naglalaba during weekends. Tumataas bp ko kasi mainit. Sa gabi di maka 2log ng maayos kasi ang init int ng katawan minsan naliligo ako sa alcohol Hahahaha pero mostly nag shashower ako. Lamon lang ng lamob tas di lakas ko kumain ng pakwan.

Magbasa pa
VIP Member

▪Sobrang takaw sa pagkain, maya't maya gugutumin at maghahanap ng pwedeng isubo. ▪Palaging busog kahit full na, kain parin ng kain. ▪Tagal matulog pero tulog maghapon ▪Hirap huminga paminsan minsan o hinihingal ▪ Tagal gumigising mga 10am ▪Naglalaba until now ▪Madaling mapagod ▪Pawisin kahit bagong ligo ▪Sumasakit ang legs

Magbasa pa

27wks and 4days.. -madali mapagod -init na init kahit kakashower o kakaligo lang. -matakaw kumain -antukin kumpara nung 1st and 2nd tri. -maraming nangangati saken kahit bagong ligo o kahit kakapalit lang ng sapin ng higaan lahat. -madalas sumakit puson pag nasobrahan ng lakad

Magbasa pa
5y ago

same here mommy😀

27weeksand1day mejo nahihilo ako ngaung linggo which is dko maramdaman nung mga nkaraan 😅malikot din si babyboy 😅diet muna din s pagkain I'm a working mom as a call center agent minsan naninigad tyan dala sguro na Wala masyadong galwan s work 😊

33 weeks or 7 mos here🖐️🖐️ Eto hirap sa pagtulog madalas pagsakit ng balakang tas pag maglalakad lang ng mga 30 mins sasakit na ung tyan at balakang tas mabilis mahingal💕💕 pero eto healthy naman kami ni baby mas sumiba kase ako🤭🤭🤭🤭

5y ago

8 months kana sis :) lapit naaaaa !

VIP Member

35 weeks now. Nangangati kahit walang kagat ng kung ano (pero wala stretch marks, yes!). Super bigat ng tyan. Hirap tumayo or bumangon. Masakit na sa pelvic part parang may naiipit. Super likot ni baby parang mapupunit ung tyan kpg naglikot sya.

Ang likot na ni baby minsan nkakagulat .. tapos pag nag lalakad ng matagal parang mabigat sa may tyan kaya minsan nkahawak ako sa tyan ko.. pero sobrang saya dahil konteng kembot nlang..

Ako po 27 weeks na .. Hrap nko sa pagtulog nd ko alam kung anung pwesto ang ggwin ko .. Then sobrang likot n ni baby .. Lgi ndn akong hinhingal kya ngllakad lakad nko ng malalayo