First time mom:))

hello mga ka mommy ask ko lang po sana kung paano nyo naamin sa mga magulang nyo na preggy kayo at anong age po kayo non anong mga pinagdaanan nyo hindi ko kasi alam kung paano ko sisimulan na sabihin lalot na 18 palang po ako now:(( ang hirap mahusgahan ng mga tao tingin nila sayo kakaiba

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Since nasa malayo parents ko,through videocall ko sinabi kay Mama. Kay Mama ko unang sinabi,napaiyak pa ako nun. Kase nakita ko yung lungkot sa mata niya. Panganay ako so,alam mo na yung expectations nila. Although di ganon sila Mama,pero ramdam ko na nalungkot sya nung nalaman niya na preggy ako. Sabi niya sya na daw bahala magsabi kay Papa,pero inabot ng 7months bago nasabi kase natatakot sya sa mgiging reaksyon ni Papa. Nung nalaman nman ni Papa,yun nga nagalit sya pero di dahil buntis ako kundi bakit daw di sinabi agad sa kanya. Di sya nagalit sakin. After nun,kinausap na nila si Partner parang hinabilin ba. Tapos ngayon eto na,2 weeks na si Baby at tuwang tuwa sila sa Apo nila lalo na si Papa. BTW,25 ako nung nabuntis,last year lang. P.S it takes time para matanggap ng parents yan,lalo ka na 18 ka palang. Tatagan mo lang loob mo. Goodluck.

Magbasa pa
2y ago

salamat po ng sobra mommy congrats po ingat po kayo palagi ng baby nyo!❤️❤️

Related Articles