First time mom:))

hello mga ka mommy ask ko lang po sana kung paano nyo naamin sa mga magulang nyo na preggy kayo at anong age po kayo non anong mga pinagdaanan nyo hindi ko kasi alam kung paano ko sisimulan na sabihin lalot na 18 palang po ako now:(( ang hirap mahusgahan ng mga tao tingin nila sayo kakaiba

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

28 na ko nung una akong nabuntis, and super takot ako nun (kahit na 28 na ko, stable ang trabaho at may bahay na😂) dahil di pa ko kasal that time 😅 takot ako nun kasi namulat ako sa kinalakihan ko sa sinasabi ng parents ko noon na dapat magpakasal muna bago mabuntis sana...😅 kaso yun nga, may plano si God. anyway, ang ginawa ko nung nalaman kong positive ako sa PT ay nagpaultrasound muna ako tp confirm, then nagusap kami ng babg daddy, at thankfully, humarap sya sa parents ko at sya mismo ang nagsabi sa mga parnets ko kasama yung picture ng ultrasound ko nun. sinabi rin nya yung plans nya sakin at sa baby nun, kumbaga, sinabi nya sa parents ko na wag magaalala, sya na bahala samin ng baby. akala ko magagalit kasi garabe talaga yung bilin nila sakin na wag magbuntis ng di pa kasal kasi masyado silang makaluma at conservative. pero in God's help din, naging ok parents ko. nakita kasi nila na seryoso yung bf ko nun (na asawa ko na ngayon) at yun nga di kami maghihirap dahil pinangakuan nya mga magulang ko. nakampante sila na di magiging single mother ang anak nila. gawin mo, since 18 ka pa lang (although adult naman na yan, pero sa panahon kasi ngayon mahirap maging mommy at that age lalo kung di pa stable sa buhay) isama mo yung daddy ng anak mo, plans nyo sabihin nyo sa parents mo.. kung nagaaral pa kayo, sabihin nyo na itutuloy mo.after manganak, basta ipangako nyo na magkakaron pa rin kayo ng maayos na buhay pati ang baby. lakas ng loob, dasal lang. angdyan na yan kaya need harapin. blessing yan, napaaga lang ng dating pero sure ako makakayanan yan with support ng parents mo.

Magbasa pa
2y ago

thankyou po ng sobra mommy laki ng tulong saakin ng mga advice nyo, ingat po kayo palagi!😇❤️

26 ako now and currently 4 months pregnant. tinatago kopa ky mama yung mga check ups and meds ko noon. one morning kming dalwa lng ng ate ko sa sala.. kinonfront nyako bigla. "buntis ka noh?" sabi nia, ayon cympre si ako napaiyak nako ng sobra habang kumakain.. dko tinanggi kce totoo nman tska feeling ko pg itatanggi ko bka mwala pa sya sakin.. tpos ayon nga cnabi nia na alam na ni mama nung isang beses na nag halungkat sya ng bag ko noon and napapansin narin dw kce ni mama s katawan ko at lalo na sa pg iwas ko sa mga pgkain lalo na sa softdrinks at kape..hinintay lng rw ako ni mama na umamin kaso tinatago tago kopa rw... now okay na kmi at nakaka galaw nko ng maayos sa loob ng bahay kesa noon na tinatago kopa s knila. Ou sa una sender matatakot ka, kakabahan sa mgiging reaksyon nila pero at the end of the day ang pag amin mo ayy pra din sayo at sa knila. atleast mababawasan na ung stress na dinadala mo. wag mong isipin ung msasabi ng ibang tao or ng kapit bahay mo sayo. ang isipin mo yung feelings na mararamdaman ng magulang mo pg sa ibang tao pa nila malalaman yan.. mas masakit yun sa part nila kase hindi ka nila maipagtatanggol sa mga chismosa ninyong kapit bahay kung sila mismo walang kaalam-alam s nangyayare sa anak nila. ang pg aaral pwede mo nman yan ipag patuloy pgka labas ni baby. mraming panahon pra mkabawi sa parents mo.😊🤗 and sa naka buntis sayo mas maganda kung mgkasama ninyong aaminin sa parents mo na buntis ka.. cheer up sender🤗 and mg iingat k palgi🙏praying for your safety pregnancy 🙏

Magbasa pa
2y ago

btw.. sasabhin ko nman na nung araw na yunna buntis ako kce sa 2nd check up ko buod na tlga si baby at my hb nadin, naunahan lng tlga nila ko.. si mama pinag sabi sabi nia s mga kaibigan nia at kamag anak nmin n mga kapit bahay lng din namin na buntis ako..

Same 18 ako nung mabuntis. 6 months bago nila malaman. at 1st, mom instinct talaga nag aask sya kelan ako niregla ganun, deny deny and lie ako. Sobrang takot ako nun. Then one day iask ako ng papa ko, May problema daw ba dun ko na sabi, pinakita ko ung ultrasound ko. tinago muna sya for 3 days, and di na daw nya kayang itago pa sa mom ko kaya sya nagsabi. papa ko di sya nagalit skin. Sinabi nya sa mom ko kunware na palo na nya ako ganum pra di na ako masaktan ng mom ko. The night na umuwi sya pinagpapalo ako ng mom ko sa paa lang. Iyak sila ng iyak both. Sobrang sakit na makita mo yung ganun, pero ano pa bang maggwa andito na, Ang papa ko nagsasama sa check up ko, ultrasound, and all. And mom ko mskit prin s knya pero alm kong nag cacare parin sya kahit na ilag sya sakin. After lumabas ang bby ko, yun mahal na mahal nila. This time 22 na ako and I have 2 children na din. Back to school na rin ako. 1 st year college. At first sobrang hirap pero maoovercome mo rin yan. Trust God and pray lng humingi ka rin ng sorry sa parents mo. At sempre be responsible kayo ni partner mo kasi kayo ang gumawa nyan. Kaya mo yan !

Magbasa pa
2y ago

opo ate salamat sa concern mo💓💓

Since nasa malayo parents ko,through videocall ko sinabi kay Mama. Kay Mama ko unang sinabi,napaiyak pa ako nun. Kase nakita ko yung lungkot sa mata niya. Panganay ako so,alam mo na yung expectations nila. Although di ganon sila Mama,pero ramdam ko na nalungkot sya nung nalaman niya na preggy ako. Sabi niya sya na daw bahala magsabi kay Papa,pero inabot ng 7months bago nasabi kase natatakot sya sa mgiging reaksyon ni Papa. Nung nalaman nman ni Papa,yun nga nagalit sya pero di dahil buntis ako kundi bakit daw di sinabi agad sa kanya. Di sya nagalit sakin. After nun,kinausap na nila si Partner parang hinabilin ba. Tapos ngayon eto na,2 weeks na si Baby at tuwang tuwa sila sa Apo nila lalo na si Papa. BTW,25 ako nung nabuntis,last year lang. P.S it takes time para matanggap ng parents yan,lalo ka na 18 ka palang. Tatagan mo lang loob mo. Goodluck.

Magbasa pa
2y ago

salamat po ng sobra mommy congrats po ingat po kayo palagi ng baby nyo!❤️❤️

VIP Member

actually wala sa plano yung pagkasabi ko , nagdasal lang ako kay LORD humingi ng guidance kasi natatakot ako eh 4months na tyan ko nun . and then isang umaga someone(I think its GOD ,himself whispered to me na it's time . and then kinuha ko lang yung cellphone ko at tinext ko si mama na buntis nga ako at ayun nag usap kami ni mama ng mahinahon at naging maayos lahat . kaya mi , ask GOD always for an answer and guidance 😊 "THERE IS A TIME FOR EVERYTHING UNDER THE SUN" sabi nga sa Ecclesiastes . tsaka sabi sa salita ni Lord , He appointed everything in its perfect time. pray ka po with all your heart , ask GOD and HE will answer you 😊♥️GOD bless po ♥️

Magbasa pa
2y ago

Maraming salamat po Mommy❤️ ingat po kayo palagi godbless po😇

birthday ni hubby nun, umuwi kami sa bahay ng parents ko para doon maghanda after dinner saka namin sinabi sa kanila. Okay naman na sa kanila dahil kasal naman na kami and 28 years old na ako that time. At ngayon 4months na si Baby at tuwang-tuwa siya sa apo niya. Sa case mo kasi alam naman natin na bata kpa at talagang magagalit pa sila sa'yo, let it be, tanggapin mo na lang dahil matatanggap naman nila yun, lalo na kapag nakapanganak kna at nakita nila apo nila sa'yo.

Magbasa pa
2y ago

Salamat po ng madami mommy ingat po kayo palagi ni baby💓

Beh sabihin mo na, alam mo magalit man sila sayo, sigurado saglit lang yun, yung judgement ng iba hayaan mo na wala naman silang ambag sa buhay mo, mahirap mag buntis na walang guidance ng magulang lalo na ng nanay☺️ Ako ng 22 years old na manganganak na ako pero buong pag bubuntis ko di alam ng pamilya ko, promise ang hirap kasi wala akong mapag tanungan kung normal ba yung nararamdaman ko o hindi. Bawas stress din kasi beh pag nasabi mo na.

Magbasa pa
2y ago

salamat ate , kaya mo yan malalagpasan modin lahat yan mag pray kalang kay lord , marami nag mamahal sayo ingat ka palagi!❤️

Hanap ka tyempo. Talk to them nicely and sincerely, Sis. Sa simula maggalit and mabbgla sila so pabayaan mo lng kung ano sabihin nila pero im sure theyll support you all the way. Just own it up and show them na youll be a better mom. Apologize if necessary specially if studying ka pa. Kaya mo yan and Im sure in time magging happy din ang lahat sa paligid mo dahil blessing si baby. Aja!

Magbasa pa
2y ago

Salamat po ng sobra mommy ❤️nakakagaan po ng pakiramdam advice nyo

Struggle is real Yan ghurl.. Aminin mo sa parents at the same time pakita mo na responsible ka mag hanap k nag pag kka kitaan kahit papano .. pakita mo na pursigido di mdali maging nanay .. Anyway kahit Mali or tama Ang Gawin mo laging may Mali na msasabi sayo Ang Mundo sis .. laaban lang para sa aanak mo

Magbasa pa

Hug mo sya/sila sabay sabihin na buntis ka, ung mffeel nila na kelangan mo suporta nila. Yung yakap mo skanila would make them feel and understand the situation na need mo ng support from them. Anjan na eh, di na yan maibabalik, may pangarap nga lang sila sayo pero hnd naman cguro hadlang yang pagbubuntis mo.

Magbasa pa
2y ago

Thankyou po ng sobra mommy❤️

Related Articles